The harbor felt the same katulad no'ng una nilang narating iyon ni Gunter. Shelby did not grow up in New York City pero may kakaibang halina sa kanya ang NYC harbor. Para bagang niyayakap siya nito.
Napangiti siya nang lihim habang nakasandal sa balikat ni Gunter. They were both resting their backs on his Tesla Roadster habang pinagmamasdan ang hindi magkamayaw na pagpunta't parating ng mga maliliit na sightseeing boats na nagdadala sa mga tao sa Statue of Liberty at Ellis Island. Kahit sa kasagsagan ng Winter ay hindi pa rin mapuknat-puknat ang daloy ng mga turista sa harbor masilayan lamang kahit sa kalayuan ang tila naging simbolo ng New York City lalo na sa mga hindi taga-roon, ang Statue of Liberty.
"When I was little, I thought New York was USA," nakangiting wika ni Shelby. Sinulyapan nito si Gunter na ngayo'y nakangiti na rin sa kanya.
"It is, babe," pakli ni Gunter.
"No. What I mean was---it was THE USA---the entire country. I never thought about the other states. Though I heard about them, of course. But since most people I met in California and Florida spoke Spanish, I thought they were from a different country."
Natawa nang bahagya si Gunter. "You're not the only one who believed that, babe. The NYC folks, too. They thought their city is the America."
Kung sa bagay. May kasabihan nga na you cannot say you have visited the US if you haven't dropped by New York City. Kaya maraming Pinoy ang nagpupursigeng mabisita ito kung napunta silang Amerika.
Wala na silang gaanong imikan ni Gunter but Shelby felt at peace. Iyong kahit na walang usap-usap, kahit sa harap lang ng harbor, Shelby realized she can be with this man and still feel good about everything. Napatingin siya tuloy uli kay Gunter at napangiti na lang bigla. Hinalikan naman siya nito sa tungki ng ilong.
Naglakad-lakad sila at lumapit pa sa daungan ng mga barko. Lalong nangikig sa lamig si Shelby. Gunter had to put his arms around her at hawakan ang kamay niyang nakakapit sa baywang nito habang namamasyal sila sa paligid. Alas singko pa lang no'n ng hapon ngunit madilim na. At ang wind chill ay matindi. Parang magyeyelo ang buo niyang katawan.
"Are you okay?" tanong ni Gunter sa kanya. Panay kasi panginginig niya kahit ang kapal ng kanyang winter overcoat.
"I love to say yes but I'm so cold."
"You're indeed a tropical girl," nangingiti nitong wika at hinapit siya lalo sa katawan nito. Nakailang hakbang lang sila palayo sa sasakyan nang may biglang kumislap na tila kidlat. Napakurap-kurap sila pareho. May dalawa o tatlong katao nang kumukuha ng litrato nilang dalawa. Tinaas ni Gunter ang kaliwang braso to cover their faces at ilayo siya sa mga ito, pero may ibang nangahas pa talagang lumapit. Buti na lang naawat na ang mga ito ni Mang Conrad at ng dalawa pang bodyguards ni Gunter bago pa nila malapitan nang husto si Shelby para makakuha ng close up photo.
Nakahinga lang sila nang maluwag nang makabalik na sa sasasakyan. Nainis si Shelby na naputol ang sana'y bonding moments nila roon ni Gunter. Pero gano'n siguro talaga. For as long as there will be magazines and newspapers willing to create stories after stories about lives of billionaires involved in a scandal, hindi na siguro mawawala ang mga walang pusong paparazzi.
Inakbayan siya ni Gunter bago nito pinaandar ang sasakyan. He then kissed her forehead.
"Dad once told me, I need to learn to accept that paparazzis are part of our lives though we're not entertainers because that means, we are relevant. It is when they stop bothering us that we should worry about."
"I do not like most of them. Many wouldn't stop even if they hurt people for as long as they get 'the scoop'."
Hindi na sumagot si Gunter. Binuksan na lang nito ang radyo at napuno ng 1980s love song ang loob ng kotse. Shelby rested her head on his shoulder and closed her eyes. Hinayaan niyang tangayin siya ng magandang alaala ng kanilang simula. Napaupo lang siya nang matuwid nang biglang pinutol ng breaking news ang pinapakinggan nilang musika.

BINABASA MO ANG
TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)
Romanzi rosa / ChickLitSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #6 MAY PRINTED COPY NA PO ITO! INBOX ME IF YOU WANT TO BUY A COPY. ********** SHELBY SAN DIEGO'S, A.K.A "BABY GURR'S", STORY Si Shelby San Diego, nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San...