Habang nagre-research si Shelby tungkol sa Skylark Quandt Corporation mayroon siyang hindi maintindihan. Dati-rati sobrang aktibo ni Henry Klaus Albrecht sa pamumuno ng kanyang negosyo subalit pagsapit ng ika-animnapu't limang taon nito'y dahan-dahan nang pinaubaya sa bunsong anak na si Gunter na noo'y kaka-dalawapu't isang taon pa lamang ang pamamahala rito. Sa tingin niya, sobrang aga naman nitong nagpahinga. Ang lolo nga niya, kamakailan lang bumaba sa kanyang puwesto bilang chairman ng San Diego Group of Companies. Siguro'y otsenta na iyon nang tuluyang bumaba.
"Who's that?" tanong ni Lyndie habang sinisilip ang larawang nakabalandra sa kanyang laptop. Nang mabistahan nitong mabuti ang hitsura ng pinagmamasdang mabuti ni Shelby ay napakomento ito na ang pogi naman daw ng lalaki.
"This is Henry Albrecht, Gunter's dad when he was in his fifties."
"Ah. No wonder Gunter is drop-dead gorgeous. His dad was a total hunk."
Napatukod ng siko sa desk niya si Shelby habang nag-iisip. Nawala sa isipan ang mga papeles na kanina pa ini-endorso ng assistant sa kanya. Kinailangan pang untagin siya ni Lyndie tungkol doon.
"Oh. Sorry. I was just thinking about---never mind. How are we doing with the bridal gowns? Can they be ready by February?"
Mayroon kasi silang fashion show ng mga bridal gowns sa Pebrero. Gusto sana nilang itaon sa araw ng mga puso. May mahigit dalawang buwan pa naman sila bago ang petsang iyon. Pero dahil mabusisi ang ibang disenyo niya na kinakailangan pang isa-isahing burdahan gamit ang kamay, medyo nag-aalala na si Shelby na baka hindi umabot ang mga prized collections niya.
"I think we are on schedule. Don't worry, Shelby. We will make sure, we will be the talk of the town. For sure, we will be. Most fashion houses have theirs in June, ours is in February. We are way earlier than them." At tumawa pa si Lyndie. Pero naputol agad ito nang makitang tila hindi pa rin naiba ang ekspresyon sa mukha niya.
Napabuntong-hininga si Shelby at nagpirma na sa mga papeles. Inabot niya ito kay Lyndie at pinagpatuloy ang pananaliksik tungkol sa korporasyon ng mga Albrecht.
"I heard from the grapevine that Henry Albrecht used to have a very controversial affair. It involved a wife of a prominent political family."
Natigil sa pagbabasa ng history ng Skylark Quandt si Shelby at napatitig sa assistant. Naupo na si Lyndie sa isa sa mga visitor's chair na nasa harapan ng desk niya.
"They said Henry Albrecht was accused of killing the husband of the woman. But he was acquitted for having no strong evidence against him. Despite his acquittal, people in New Jersey believed that he was guilty of the crime. "
Napanganga sa narinig si Shelby. Si Henry Albrecht ay inakusahang nakapatay ng tao? Parang hindi consistent sa mahinahon nitong personalidad. Kung sa bagay. Wala naman sa personality ang pagiging killer kung minsan.
"Is that the reason why he stepped down as the Chairman con CEO of Skylark Quandt Corporation?" tanong niya kay Lyndie.
"No idea. Maybe."
Nagka-affair pala si Henry Albrecht noon. Well, she was not surprised. Kung titingnan kasi sila ni Madame Margaux parang hindi mag-asawa. Malamig pa sa yelo ang pakikitungo ni Henry sa kanyang asawa. Si Madame naman parang hindi rin sweet. In-imagine ni Shelby ang kabataan ni Gunter. Kaya pala noon ay nasabi nito na inggit na inggit siya sa kanya dahil marami siyang kapatid. Marahil he was a lonely child. Gusto niya tuloy yakapin nang mahigpit ang musmos na Gunter at ipadama rito ang kanyang pagmamahal.
Natigil sila sa pag-uusap ng may kumatok nang tatlong sunud-sunod sa pintuan. Sumilip ang isa niyang staff at tila nahihiyang magsabi na buksan daw nila ang telebisyon na naka-angkla sa dingding paharap sa mesa ni Shelby. Naalarma tuloy ang huli. Si Lyndie na ang tumalima para sa kanya. At ganoon na lamang ang panghilakbot niya nang makita ang laman ng balita. Hinuhuli si Gunter ng mga pulis!
BINABASA MO ANG
TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)
ChickLitSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #6 MAY PRINTED COPY NA PO ITO! INBOX ME IF YOU WANT TO BUY A COPY. ********** SHELBY SAN DIEGO'S, A.K.A "BABY GURR'S", STORY Si Shelby San Diego, nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San...