CHAPTER THIRTY-EIGHT

8K 484 103
                                    

Nanlata si Shelby nang makitang biglang pumikit si Gunter habang kausap niya ito. Nataranta siya kung kaya ilang beses niyang napindot ang buzzer na konektado sa nurses' station. Humahangos namang dumating ang head nurse at sinuri agad ang vital signs ng lalaki tapos nakangiti itong bumaling sa kanya.

"He's just sleeping, ma'am," nakangiti nitong sabi sa kanya. "Filipino po ba kayo?" tanong ng nurse na tantiya ni Shelby ay kaedad ng mommy niya.

Tumangu-tango siya rito. Lalong lumawak naman ang ngiti ng babae. Then, she assured her that Gunter has already survived the critical part of the operation. Huwag daw siyang mag-alala at hindi na ito maaano.

"Salamat po," halos ay pabulong niyang sagot dito at nilapitan uli si Gunter. She looked at his face intently. Mula sa makinis nitong kutis, matangos at deretsong ilong, malalantik na pilik-mata, at manipis na mapupulang labi. He looked every inch like a movie star. Idagdag pa roon ang estado ng pamilya at posisyon niya sa isang malaking korporasyon. No wonder, kahit na hindi siya artista ay palagi na lang may nadadawit na taga-entertainment industry sa kanya. Ang isa pa roon ay tila nabaliw pa dahil sa obsesyon sa kanya.

Nang maalala ni Shelby si Marinette napakuyom ang kanyang mga palad. Sisikapin niyang mapaparusahan ang babaeng iyon. Hindi maaaring she will be able to escape scot-free.

"Sige po, ma'am. If you need us again, just press the buzzer," magalang na paalam ng nurse at umalis na ito.

Makaraan ang ilang sandali'y bumukas ang pintuan at sumilip si Madame Margaux Quandt. Nang makitang nakapikit ang anak at hilam sa luha ang mukha ni Shelby, she looked scared. Dali-dali itong lumapit sa anak at humagulgol habang yumayakap sa bandang tiyan ni Gunter.

"My son. My beloved son. Please do not leave, Mama. I love you!"

"He's just sleeping, Madame ---- Albrecht," sabi sa kanya ni Shelby.

Nilingon naman nito si Shelby at pinangunutan ng noo. Parang it took a while bago tumimo sa isipan ni Madame Margaux ang sinabi ng manugang. At nang lubos na maintindihan iyon ay napabangon ito at maarteng napapahid ng luha sa mukha.

"I---I cannot l-lose my son. He is my only ticket to Henry's heart. If I lose him, I'll also lose his father," bigla na lang ay sinabi nito saka tumayo at lumapit sa bandang ulohan ng anak saka hinagkan ito sa noo.

Napanganga si Shelby sa sinabi ng ginang at pinangunutan ng noo. Hindi na siya nakasagot pa dahil lumitaw sa bandang pintuan ang lalaking pinag-uusapan nila.

Tumayo si Henry Albrecht sa bandang paanan ng anak. Pinagmasdan lang nito ang asawang sumisinghot-singhot sa gilid ni Gunter. He was calm and poised. Ibang-iba kay Mrs. Albrecht.

Matapos bumati, nagpaalam saglit si Shelby sa mag-asawa at lumabas siya ng ICU. Tinawagan niya ang dad niya at sinabi ritong ligtas na si Gunter. Binalitaan naman siya nito sa pagkakahuli kay Marinette Schlossberg. Sa ngayon daw ay pinoproseso na ang kaso nito.

Makaraan ang ilang sandali'y sumingit ang mom niya sa phone at pinakita si Shy na tulog na tulog. Ang mom din niya ang nagbalita na nakaligtas din sa peligro si Adeline Grayson, subalit mukhang may kaunting problema. Ini-report daw sa TVna bagama't naka-survive ang babae, baka raw may posibilidad na maging paralisado ang kaliwang bahagi ng upper torso nito.

"Oh my God!" naibulalas niya. Sa isang katulad ni Adeline Grayson na wala halos ipinagmamalaki kundi ang pisikal nitong anyo, alam ni Shelby na malaking dagok iyon.

Dati'y bwisit na bwisit siya rito dahil sa mga pinaggagawa. Biruin mo, nang malamang nagpakasal sila ni Gunter ay umeksena ito at pinamalitang engaged daw sila ng lalaki kaya paanong legal ang kasal? Kinopya pa ang design ng singsing niya na bigay mismo ni Gunter sa araw ng rooftop proposal. Hindi lang iyon. Ang intergenerational engagement ring ng pamilya Albrecht ay napasakanya pa. Kung kaya naniwala ang lahat na totoo ang pinagsasabi nito lalo pa't suportada ng bruhang ina ni Gunter.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon