CHAPTER FORTY-FOUR

7.7K 568 140
                                        

Nagising si Shelby sa tila isang mahimbing na tulog. Pinangunutan siya ng noo nang makitang puro puti ang paligid. Dumagundong sa kaba ang puso niya. Lalo na nang tila bahang rumagasa sa kanyang balintataw ang nakatatakot na eksena sa kanyang upisina. Bigla na namang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang sunud-sunod na putok! Tama! May nagpaputok. At pagkatapos no'n ay nawalan na siya ng malay.

Pinangiliran siya ng mga luha nang maisip na baka namatay siya sa trahedyang iyon. Naisip niya agad ang kanyang mag-ama, lalung-lalo na ang bata.

Oh my God! Paano na si Shy? Hindi pa nabibinyagan si Shy!

Napabangon siya agad. No'n niya napansing may parang nakahandusay sa paanan ng kanyang kama. Nakaupo ito sa silya habang nakaunan naman ang ulo sa kama. Gumalaw ito nang bumangon siya. Tapos ay tumagilid then with sleepy eyes, he looked at her. Nang magtama ang kanilang mga mata saka lang na-realize ni Shelby na si Gunter ang kasama niya sa silid. Tumutubo na ang kanyang balbas kaya halatang hindi ito nakauwi para mag-freshen up. Baka doon lang mismo natulog.

"Hey, baby. How are you feeling right now?" tila inaantok nitong tanong sa kanya.

Nakikita siya ni Gunter? Ibig sabihin ba nito ay hindi siya multo? Ganunpaman, tinanong pa rin niya ito para makasiguro.

"You can really see me?"

Natigilan si Gunter at pinangunutan ito ng noo. Hindi yata siya naintindihan.

"Of course, babe. I'm not blind, yet. So yeah, I can still see you." At tumawa ito nang bahagya. Umupo na ito nang matuwid at dinala ang upuan sa bandang gilid niya saka hinawakan ang isa niyang kamay. Pinisil-pisil nito ang kanyang palad. "You scared the hell out of me and your brothers. We thought we lost you."

No'n naalala ni Shelby nang malinaw ang naging kaganapan sa kanyang upisina. Nang mapagtanto niyang it could have been worse, she could have died in the incident, napasubsob siya sa dibdib ni Gunter at humagulgol roon.

"It was Lyndie,' sumbong niyang parang bata. "I never thought she was that evil. I trusted her for so long! I even defied my brother Markus when he advised me to fire her after the Carlota Kolisnyk issue. He suspected her to be involved in the stealing of my design and giving it to Carlota but I did not believe him."

"Sshh. It's okay. You are safe now."

Hinagkan ni Gunter ang kanyang noo at tinuyo ang kanyang pisngi gamit ang mga hintuturo. Napapiksi bigla si Shelby nang may isa pang naalala. Napalayo siya nang kaunti kay Gunter.

"Si Frederick! Kumusta si Frederick?" sunud-sunod niyang tanong. Napa-Tagalog siya nang wala sa oras. Kinabahan na naman siya nang todo. Sa puntong iyon ay tila maiihi siya sa nerbiyos lalo na nang matigilan si Gunter at biglang lumungkot nang husto ang mukha.

"He was shot. Twice. I do not know if he will survive but I do hope he will."

Napayakap na naman nang mahigpit kay Gunter si Shelby at napasubsob pa sa balikat nito. "He was working with Lyndie all along. They were both working for Mr. Schlossberg." At napasinok siya nang sunud-sunod. Nagsasanib na ang kanyang mga luha't sipon.

Tumangu-tango sa kanya si Gunter. "I know," sabi nito sa kanya. He seemed so calm about it.

"You know?!" Gulat na gulat si Shelby. Siyempre, hindi niya iyon inaasahan. What she expected was, Gunter didn't realize until it was too late.

"I discovered it accidentally when I was looking for evidences that would exonerate my mom from the crime. He planted a DNA test result that proved Dad and I are not related at all. He made me believed that it was from long ago. That mom arranged for a paternity test for me and Dad right after giving birth to me. I even confronted my mother about it when I found out the test result excluded my dad as my biological father. When Mom denied doing it I thought it was because she didn't want to hurt me and Dad."

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon