CHAPTER FORTY-FIVE

8.9K 492 69
                                        

"Ser Gunter, you ned toh practez des. You hataw-hataw des like des."

Napalingon si Shelby kay Aling Iska ang dating yaya ni Matias dahil atribida itong nagprisinta na turuan daw dapat si Gunter magsibak ng kahoy the old way. Iyong gagamitan pa ng palakol. Nag-demo nga ito at nabiyak niya ang malaking kahoy. Manghang-mangha naman dito si Gunter. Kahit may edad na raw kasi si Aling Iska ay matibay pa rin. Napangiti naman dito si Shelby.

Habang abala ang mga katulong sa pagtuturo kay Gunter kung paano magsibak ng kahoy, si Shelby nama'y nag-asikaso kay Shy. Tinanggal niya ito sa stroller at hinawakan sa magkabilang kili-kili habang inaangat ng ka-level ang kanyang mga mata. Pinapainitan niya ang likod nito sa backyard nila dahil sabi ng kanyang yaya ay mainam daw iyon sa kalusugan ng bata. Palagi nga raw siyang ginaganoon noong baby pa siya.

"She likes it, Ms. Shelby," komento ng private nurse nito. Tumitili kasi si Shy sa bawat pagtaas-baba niya rito. Napalingon nga sa kanila si Gunter. Nang magtama ang mga mata ng mag-ama lalong nagtitili ang bata. Parang nagpapa-impress sa daddy niya. Tapos ay inunat nito ang mga kamay sa direksyon ni Gunter na ang ibig sabihin ay gusto nang magpakarga rito.

"I guess that's it for me, guys. Thank you for teaching me," nakangiting sabi ni Gunter sa mga katulong.

"Ano raw, Tiyang?" tanong ni Iska sa tiyahin na si Aling Mameng.

Agad namang isinalin iyon ni Gunter sa Tagalog. Napanganga ang mga kasambahay pati na ang mga boy at driver. Tawanan sila nang makabawi.

"My Gahd, ser! You med my nosh blid tapos you spokening Tagalog pala!" naibulalas ni Aling Iska sabay kamot-kamot sa ulo.

Napangiti na naman si Shelby. Siya na ang nagpaliwanag sa mga katulong na nag-aral ng Tagalog si Gunter para sa kanila. Kinilig naman ang mga ito, lalung-lalo na si Aling Iska. Natawa lalo si Shelby sa mga ito.

Matapos makapagpahid ng alcohol sa mga braso't kamay ay kinuha na ni Gunter si Shy kay Shelby. Ang lutong ng tawa ng baby. Napaliyad pa ito at nag-inarte. Nang hagkan ng daddy niya sa leeg lalong tumili. Kiniliti rin ito ni Shelby sa tagiliran. Tulo laway ng bulinggit sa katatawa. Natigil lang sa pangingiliti sa anak si Shelby nang iabot ng isa nilang katulong ang cordless telephone sa kanya. May tawag daw siya at importante.

"From whom?" tanong ni Shelby sa katulong.

"Dati n'yo raw kaibigan, ma'am. Alfonso raw ang pangalan."

Natigilan si Shelby. Nag-atubiling abutin ang telepono lalo na nang makitang umasim ang mukha ni Gunter. Yaya niya ang masuyong tumapik sa kanyang balikat at nagsabing kausapin niya ito alang-alang sa masaya nilang samahan noon.

"Kahit papaano ay pinasaya niya ang kabataan mo, anak. Hapi ang pagdadalaga mo dahil sa kanya." At pinaalala pa nito ang araw nang una siyang makatanggap ng love letter mula rito. Noong mga panahong iyon ay crush na crush na niya si Alfonso dahil lagi niyang napapanood ang koponan nitong tinatalo ang football team ng eskwelahan nila kung kaya nang matanggap niya ang sulat ay nagtititili siya sa loob ng kuwarto kasama ang yaya niya.

Kinindatan ni Shelby ang yaya para tumigil na sa pagsasariwa ng nakaraan. Hinila na lang niya ito at sabay silang pumasok ng bahay para katabi niya ito habang kinakausap si Alfonso.

**********

Aminado si Gunter na na-miss niya nang todo si Frederick. Sa mga oras na ito sana kung kasama niya iyon ay may sinasabi nang kung anu-ano na nagpapainit ng ulo niya lalo pa't selos na selos siya sa bwisit na Dela Pena na iyon. As soon as he remembers his assistant, he felt sad. Para bagang biglang nanamlay ang kanyang kalamnan. Naramdaman din siguro iyon ng bata dahil bigla na lang nitong sinapo ang kanyang magkabilang pisngi at tila iiyak na tinitigan siya sa mga mata.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon