CHAPTER THREE

7.9K 584 96
                                    

A/N:  Tentative portrayer for Gunter #3

**********

"Ha? What do you mean you do not want to be my model anymore?" may pagkabahalang tanong ni Shelby sa isang Ukranian male model na kinuha niyang rumampa sa mga designs niya sa pangalawang in-house fashion show na gaganapin bukas ng gabi.

"I'm so sorry, Ms. San Diego. It's just that---,"

"Hi there, Bodashka. How are you doing?" malanding bati ni Katarina Horvathova sa lalaki. Pinadaanan pa ng daliri nito ang gilid ng kanang pisngi ni Bodashka, ang male model ni Shelby. Ang Ukranian nama'y napapikit saglit habang ginagawa iyon ng babae. Parang ninanamnam niya ang bawat sandali.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shelby sa kanilang dalawa at may naramdaman siyang kakaiba. Parang mayroon silang mainit na pinagsaluhan sa paraan ng tinginan nila sa isa't isa. Napabuntong-hininga ang dalaga. She felt betrayed but then what can she do? Hindi naman kasi niya mapipilit ang isang modelo kung ayaw nang irampa ang mga gawa niya. Kaso nga lang kinabukasan na ang naturang fashion show! Paano siya makakahanap ng replacement ng Ukrainian na ito? Gawa na ang suit for him. Sa tangkad niyang six feet five, ang hirap makakuha ng sasakto sa sukat niya.

"I'm sorry again, Ms. San Diego," anang modelo.

Ni hindi pa nakasagot ang dalaga, tumalikod na ito at umalis kasama ni Katarina. Nanggigil siya sa dalawa. May pakiramdam siyang gustong sabotahihin ni Katarina ang segment niya sa show kung kaya sinulot ang pinakaguwapo at magaling niyang modelo. Noong nakaraang fashion show nila kasi three months ago, napantayan ito ng dalaga. Imbes na mamimili na sana si Lord Randolph ng assistant designer niya nang gabing iyon din mismo, pinagpaliban ito ng matanda. Inanunsiyo lang ang resulta ng patimpalak at nagwagi nga sila pareho ng Slovakian. Dahil patas ang puntos, kinailangang magsagawa uli ng pangalawang faashion show na kung saan ay silang dalawang nanalo na lang ang sasali.

"Is Ms. San Diego around?" narinig ng dalagang tanong ng isang may Russian accent. Nang makita siya nito sa gitna ng silid habang nagbibigay ng final instructions sa kanyang mananahi, lumapit agad ang binata. May kutob na si Shelby kung ano'ng sinadya ng Russian model niya. However, she pretended to play it cool.

"Yes, Karpov? Anything I can do for you?" kalmado pa niyang tanong.

Napakamot sa ulo niya ang Russian. Tapos napasulyap ito sa may bandang pintuan. Dahan-dahang sinundan ni Shelby ng tingin ang sinulyapan ng lalaki. And there she was again, smiling at her model. Sumulak ang dugo sa ulo ng dalaga pero pilit niya pa ring kinontrol ang damdamin. Hindi siya maaaring magpakababa sa level ng hudas niyang katunggali.

"You want to leave, too?" walang ka emo-emosyong tanong ni Shelby sa lalaki.

"Yes!" tila nae-excite pang sagot ni Karpov.

"All right. Thank you for all your hard work." Pagkatapos no'n ay tinalikuran na ito ni Shelby.

Nang makaalis ang modelo niya, nag-aalalang napatingin sa kanya ang kanyang assistant, si Lyndie, ang middle-aged Mexican woman na isa sa naging ka-close niya sa Margaux Quandt Fashion House. Ito ang nag-panic para sa kanya.

"Aren't you worried? That bitch just stole two of your finest models!"

Napalunok nang sunud-sunod ang dalaga. Pinangiliran siya ng luha pero kaagad niya itong sinupil. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. Dapat niyang ipabatid sa mga tao niya na hindi siya basta-basta matatakot ninuman.

"I'll find a way. They're not the only models in town."

Kakitaan ng paghanga para sa dalaga si Lyndie. Ang hindi niya alam nagpa-panic din sa loob-loob niya si Shelby. Ayaw lang nitong mabahala ang team niya.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon