CHAPTER TWENTY-ONE

7.6K 541 126
                                    

Nang nasa labas na sila ng stadium saka lang napansin ni Shelby na magkahawak-kamay sila ni Gunter. Bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan sa pagkakadikit ng kanilang balat kung kaya binawi niya ang kamay saka nagpasalamat sa binata.

"My brothers really appreciate the tickets you gave us. Thank you so much."

"You're always welcome, Shelby. It is always an honor for us to see you and your family watch our team's game."

Ni wala pa silang isang minutong nag-uusap nang biglang may nag-flash sa kanilang mukha. Kasunod no'n ay ang paglitaw ng isang paparazzi na may hawak na video camera. Napataas ng kamay si Shelby para pantakip sa mukha niya. Nang makita ito ni Gunter hinarang nito ang katawan sa pagitan nila ng journalist. No'n naman dumating sa eksena si Alfonso. Tila humahangos ito. Parang hinabol talaga ang dalawa. Katunayan, ni hindi pa ito nakapagpalit ng damit. Suut-suot pa rin nito ang uniporme.

"Shelby!" tawag nito sa dalaga.

Saktong paglingon ni Shelby sa dating nobyo, nag-flash na naman ang camera sa kanyang mukha. Napapikit siya agad at napatakip ng kamay sa mga mata pero mukhang huli na dahil nakakuha na ng larawan niya ang photojournalist.

"We need to leave now," sabi ni Gunter sa kanya nang masulyapan si Alfonso.

"Wait. I have to call my brothers first. They are all waiting for me at the parking lot."

"The paparazzis will be swarming around us in no time. C'mon. Let's go!" At hinawakan uli ni Gunter ang kanyang kamay. Hinihila siya nito palayo roon habang tumatawag kay Frederick. Nagpapasundo ito sa assistant. Pagkatapos niyon tinawagan din nito ang head ng security ng New York Jets at pinapapunta sa labas ng stadium para hawiin ang mga agresibong journalists.

"I am glad you watched my game, Shelby," pahabol ni Alfonso.

Napalingon uli sa lalaki si Shelby habang tinatawagan ang Kuya Marius niya. Nakita niyang hindi na makaabante sa kanila ang dating nobyo dahil pinaligiran na ito ng mga paparazzi. Naawa siya rito, pero wala rin siyang magagawa dahil umiiwas din sila ni Gunter sa mga iyon.

Mayamaya pa, dumating na rin si Frederick. Mas nauna pa ito kaysa sa Kuya Marius niya.

"Get inside the car," mando ni Gunter sa kanya.

Napatingin pa saglit si Shelby kay Alfonso bago pumasok sa sasakyang pinagmamaneho ni Frederick. Pagkaupo niya sa loob ng sasakyan, tinawagan na naman ng dalaga ang kanyang Kuya Marius at pinaalam dito na safe na siyang nakaalpas sa mga agresibong reporters. Nang malaman ng kapatid na kasama niya si Gunter, pinagalitan siya nito.

"Where are you guys heading? We will meet you there," sabi pa nito.

Napasulyap si Shelby kay Gunter na tahimik lang sa tabi niya. Nakaupo ito sa pinakadulo ng back seat. Napangiti siya nang lihim dahil nagbigay ito ng malaking espasyo sa pagitan nilang dalawa para hindi siya mailang sa pakikipag-usap sa kapatid.

"I still do not know. Baka ---baka ihahatid niya lang ako sa condo. Pagod na rin ako, eh. Kaya wala rin akong balak lumabas."

"Siguraduhin mo lang na ihahatid ka niya sa condo mo dahil kung hindi malilintikan siya sa amin."

"Kuya naman. Magbe-bente kuwatro na ako in a few months," natatawa niyang paalala rito.

Hindi agad nakasagot ang Kuya Marius niya. Nang marinig niya muli ang boses nito, malumanay na ang timbre. "You're still our little girl, princess. Take care of yourself, okay?" sabi nito at pinutol na rin ang linya.

Nakaabante lang sila ng kung ilang metro nang may humarang na namang mga paparazzi. Napa-preno bigla si Frederick sabay kamot sa ulo.

"What should I do, boss?" lingon nito kay Gunter.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon