CHAPTER TWENTY-SEVEN

9K 534 118
                                    

A/N:  The comple copy of the ebook is available for purchase on Google Play. Search for Twenty-Four Seconds by Gretisbored Google Play.

**********

Nang makalayo na sa mga humahabol na paparazzi ang limousine kung saan lulan sina Shelby at Gunter, sakto namang nag-ring ang phone ng huli. Saglit lang na napasulyap sa lalaki sina Magnus at Shelby tapos ay napatingin sila sa labas ng bintana. Kapwa pa rin walang imik. Ang tanging maririnig sa loob ng sasakyan ay ang boses ni Gunter na tila galit na nakikipag-usap sa telepono sa salitang German. Patingin-tingin dito si Shelby dahil kung ilang beses itong napataas ng tinig.

"I'm sorry," sabi nito sa dalawa habang hinihilot-hilot ang sentido. "That was my assistant."

"Is Frederick okay?" tanong ni Shelby. Sa pandinig niya kasi'y mukhang may emergency situation na namang binalita kay Gunter ang assistant nito.

"He is okay right now but he won't be when I get to him," halos pabulong lang nitong sagot.

Napatingin sa lalaki si Magnus, pero hindi pa rin ito nagsalita. Minanduan lang nito ang driver na dalhin sila sa mansion nito outside New York, malayo sa mga agresibong paparazzi.

"Wait a second. This is going to Connecticut," bigla ay sabi ni Gunter nang ma-recognize ang daan.

"It is. We are going to my house," walang kaemo-emosyong sagot ni Magnus.

"I can't go with you guys. I have an important meeting to attend to, right now."

Tinitigan na naman ito ni Magnus. Hindi nagsasalita ang huli. Medyo kinabahan si Shelby dahil nakita niyang medyo hindi na komportable si Gunter sa paraan ng pagtingin ng kanyang ama rito. Maging siya'y naasiwa na rin. Kahit medyo takot, sinikap niyang sabihan ang dad niya na ihatid na lang nila ito sa upisina nito bago sila tumungong Connecticut kung saan daw naghihintay ang mommy niya na labis na nag-alala nang mabalitaang nagpakasal siya nang wala sa oras.

Saglit na walang tugon sa pakiusap ng anak si Magnus. Pero makaraan lamang ang ilang sandali, minanduan niya ang driver na mag-U-turn para makabalik sila ng New York. Bago bumaba si Gunter sa tapat ng kanyang gusali, humawak ito sa kamay ni Shelby.

"I will call you, b-babe. Taka care, okay?"

Palihim na sumulyap pa ito sa ama niya. Parang tinantiya ang reaksiyon ng kanyang dad sa binanggit na endearment sa kanya. Kabado man sa maging reaksiyon ng daddy niya, napakilig niyon si Shelby. Kaya nga may ngiti sa kanyang labi nang siya'y tumango sa lalaki.

Nang wala na si Gunter, lalong kinabahan si Shelby. Hindi pa naman kasi niya naranasang ma-silent treatment ng ama. Ngayon pa lang kung kaya medyo nangangapa siya kung ano ang dapat gawin. Kung nandito sana sa tabi niya ang mom niya marahil ay nagkaroon siya ng guts para magsalita na't magpaliwanag.

Dahil na rin sa pagod, nakatulog sa biyahe si Shelby. Nagising na lang siya nang dahan-dahan nang nag-slow down ang sinasakyan nila. Pagdilat niya nakayakap na ang daddy niya sa kanya at siya'y nakahimlay sa mga bisig nito.

"Did you have a good sleep, sweetie?" masuyong tanong ng ama.

Tumingin muna si Shelby sa labas ng bintana bago sumagot ng 'opo' sa mahinang tinig. Inalalayan siya agad ng ama na makababa ng sasakyan. Base sa gentleness ng dantay ng mga kamay nito sa kanya, napagtanto ni Shelby na hindi naman sukdulan ang galit nito gaya ng inaasahan niya.

"Shelby Madeline! Baby!" masayang salubong sa kanya ng mom niya nang makita siya nitong bumababa ng sasakyan. Halos ay mapatakbo ito papunta sa kanya. Dali-dali tuloy niya itong sinalubong.

"Mommy!" sigaw ni Shelby rito. Halu-halo ang damdamin niya nang mapayakap na sa ina, pero nangingibabaw ang feeling of relief na at least narito ito ngayong mayroon siyang mabigat na dapat ipaliwanag sa pamilya.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon