CHAPTER TWENTY

6.7K 505 128
                                    

Naging maselan ang pagbubuntis ni Dane dahil lagi siyang depressed kung kaya panay din takbo ni Shelby sa ospital. May mga panahon na nasa Europa siya't dumadalo ng kung anu-anong fashion event ngunit napapauwi siya ng wala sa oras. Kinakailangan niya kasing uwian ito dahil wala nang iba pang sasaklolo rito kundi siya. Kaya nang sabihin ng doktor na may posibilidad na mawala ang bata dahil mahina ang kapit nito, mas nauna pa siyang humagulgol kaysa sa kaibigan.

"Are you guys related?" kaswal na tanong ng doktor nito sa kanilang dalawa ni Dane habang inu-ultrasound ang tiyan ng huli.

"No, we're not. We're good friends." Si Shelby ang sumagot.

"Oh. You're so sweet," sabi ng nakangiting doktora kay Shelby. Tumayo ito at tinapik-tapik sa balikat ang pasyente sabay sabi ng, "You're lucky to have your friend here."

No'n lang napangiti nang bahagya si Dane. Sumulyap ito kay Shelby at pinangiliran ng luha. Inabot pa nito ang kamay ng kaibigan at pinisil-pisil ito.

"Maraming salamat. Hindi ko alam kung paano kami magsu-survive na mag-ina kung wala ka rito sa tabi namin. Kung ---kung mabubuhay siya, gusto kong ikaw na ang magbigay sa kanya ng pangalan at---ikaw na rin---"

Bumalik ang doktora mula sa pag-e-eksamin ng mga print-outs ng ultrasound ni Dane at inabot sa dalawa ang mga ito. Tinanong sila kung gusto na nilang malaman ang kasarian ng bata dahil maaari na raw, pero kung nais nilang maging surprise iyon ay puwede rin naman daw.

"Some couples want to be surprised," sabi pa ng doktora at bahagya itong tumawa.

Nagkatinginan sina Shelby at Dane. They held each others' hands and agreed to opt for knowing the baby's sex in advance.

"It's a baby girl. Congratulations!"

Lalo silang napahawak nang mahigpit sa kamay ng isa't isa. Baby girl. Para iyong umalingawngaw sa isipan ni Shelby. Hindi na siya makapaghintay makita ang naturang bata. Sigurado siyang pang-Miss Universe ang hitsura ng bulinggit dahil kahit may kaliitan para sa standard ng mga Amerikano ang tatay nito may hitsura naman si Albus. Saka hindi rin panget si Dane.

Pagkagaling nila sa ospital, dumeretso na sa kuwarto niya si Dane at si Shelby nama'y nagbihis pa't umalis papuntang trabaho. Pagdating niya sa upisina may naghihintay na sa kanyang invitation card. Galing sa isang Broadway musical production company. Iniimbitahan siyang dumalo sa isang opening night ng kasisimulang pagtatanghal ni ---wait! Marinette Schlossberg?

Laking gulat ni Shelby nang mabasa ang pangalan ng nag-imbita sa kanya. Ang alam niya kasi'y medyo hindi maganda ang tingin nito sa kanya. Nagkita na sila kasi sa isang pagtitipon na hinost ng kapwa nila kakilala. Ang editor-in-chief ng Vogue. Nang ipakilala siya ng huli rito bilang isa sa mga naging maugong na cover ng magazine, ang una nitong naging reaksiyon ay pag-ismid na kung hindi tingnan ng mabusisi ay aakalain mo lang na nagulat. Ngunit maalam si Shelby sa mga bitchy expressions dahil sanay nga siya sa grupo nila Kyla na eskperto sa pagpapakita ng subtle signs of dislike. Dahil pino nilang nadadala walang mag-aakala na ganoon sila ka bruha. Like Marinette Schlossberg.

Pag-uwi niya sa shared condo nila ni Dane sa Queens at ibalita ang tungkol doon sa kaibigan, hindi na nag-isip pa ang BFF sa maging tugon niya sa imbitasyon.

"You have to be there!" sagot nito agad. "Iyan na ang pagkakataon mong malaman kung may bragging rights nga siya sa teatro. Ang yabang eh. Hindi pa nga buo ang casts niyan, sangkatutak na ang coverage sa dyaryo at magazines. That way malalaman mo kung anong klaseng babae iyang karibal mo!"

Napangiti si Shelby sa salitang karibal. It has been more than two months since the last time Gunter sent her a bouquet of flowers. Simula kasi noong tinanggihan niya itong muli ay nag-lie low na sa pagpapadala ng kung anu-ano. Bukod doon, kinontra pa ang kanyang ama't lolo. Na sa bandang huli pala'y aatras din dahil namahalan daw sa presyong hiningi ng hotel owner. Ganunpaman, kahit umatras na sa deal ay naimbyerna pa rin ang dad niya, lalo na ang kanyang Grandpa. Binilin pa sa kanyang huwag na huwag daw niyang paakyatin ito ng ligaw just in case na magtangka. Hindi na alam ni Shelby kung nakalapit pa nga si Gunter nang hindi niya alam. One time kasi nahuli niyang in-intercept ng bodyguard ng lolo niya ang pinadala nitong cake at flowers sa kanyang upisina nang magdiwang siya dahil sa pagkakapili sa kanya ng isang British celebrity para siya ang magde-design ng wedding gown nito. Nandoon din kasi sa office niya ang mga grandparents nang araw na iyon.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon