"I will miss you girl," naluluhang pahayag ni Dane nang sabihin dito ni Shelby na kukuha siya ng condo unit sa Upper East Side bilang bahagi ng pagsisimula niya sa sarili niyang fashion house.
"Save your tears! Dito pa rin ako makikitulog at makikikain kaya hati pa rin tayo sa renta rito. Kailangan ko lang ng condo doon to make my image more attractive to my high end target clients," nakangiting pakli ni Shelby.
"But that would be costly. Okay lang naman akong mag-isa rito. I can always have another roomie. I might have somebody at work who needs a place to stay."
"Hwag!" maagap na tutol ni Shelby. "I mean it. I want to stay here. Para lang sa image ko ang isa. Sure naman ako na hindi ko rin kayang mag-isa ro'n."
Napangiti na si Dane. "Well, if you insist ako pa ba ang aayaw?"
Natigil ang pag-uusap nila nang mag-ring ang home phone nila sa living room. Sabay pa silang napalingon doon mula sa veranda. Si Dane ang nagboluntaryong sumagot no'n. Pagkatapos sumenyas ito kay Shelby na para raw dito ang tawag.
"Who?" tanong agad ng dalaga habang papalapit sa kaibigan.
Tinakpan ni Dane ang mouthpiece and she mouthed the name, Gunter. Umiling-iling si Shelby.
"Ha? What will I say? Alam na niyang nandito ka. Sagutin mo na."
"No. Because of him na-cut short ang work ko sa Margaux Quandt. Siya ang naging dahilan kung bakit pinag-interesan ako nila Katarina Horvathova at Lord Randolph na pabagsakin. Mukha kasing nagkakainteres siya sa akin sa kabila ng engagement niya sa babaeng iyon na gustung-gusto ng kanyang pamilya."
"Then, what would I tell him?"
"Bahala ka na." At bumalik sa labas ng veranda si Shelby. Mayamaya pa, nandoon na rin si Dane. At pinagsabihan siya tungkol sa paninikis kay Gunter.
"Kasalanan pa rin niya. Hindi man lang niya sinabi sa akin na mommy niya pala si Madame Margaux Quandt. All along I thought, we thought, Margaux Quandt was owned by the Schlossberg."
"Nagtanong ka ba sa kanya?"
"Kahit na. He should have told me. Isa pa, noong nagpapadala siya sa akin ng mga bulaklak ay engaged na pala siya no'n. I really hate men who cheat on their girlfriends."
Tumawa si Dane. "Technically, he didn't cheat. Hindi naman naging kayo."
"But the intention was there," pagmamatigas naman ni Shelby.
"We do not know the real score between that woman and Gunter. Sa mga katulad kasi niyang ultra rich uso na ang arranged marriage o mga marriage of convenience to keep the family's wealth among relatives or friends. Mas naiintindihan mo sana iyan dahil you belong to the same circle."
Napangisi si Shelby. "We are not in the same circle. Ano ka ba?" At tumawa na ito. "Barya lang ang mayroon kami compared to theirs. At kahit na mayaman ang aming pamilya by Filipino standard, never nagkaroon ng arranged marriage o marriage of convenience sa family history namin. So, no. I do not understand. And even if his engagement was a business deal, hindi pa rin tama ang ginawa niya. Ayaw ko sa lalaking hindi loyal."
Sa puntong ito, napatingin na si Shelby sa malayo. Nang makita ng kaibigan ang ekspresyon sa mukha ng dalaga, humilig ito sa balikat ng huli saka yumakap.
"Alfonso is for sure having regrets by now."
Hindi na sumagot pa si Shelby doon pero napakagat siya ng ibabang labi.
**********
"Sir, aren't we leaving now?" untag ni Frederick kay Gunter dahil kanina pa sila naka-park sa harapan ng isang lumang gusali sa Queens. Ang binata ay nakahawak ng cell phone niya habang nakatingala sa kaharap nilang building. Parehong nakasandal sa pulang Tesla Roadster ang mag-amo. Ang assistant ay mukhang aburido na, samantalang ang lalim naman ng iniisip ng amo nito.

BINABASA MO ANG
TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)
Chick-LitSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #6 MAY PRINTED COPY NA PO ITO! INBOX ME IF YOU WANT TO BUY A COPY. ********** SHELBY SAN DIEGO'S, A.K.A "BABY GURR'S", STORY Si Shelby San Diego, nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San...