CHAPTER TWELVE

7.9K 508 76
                                        

A/N:  This is also available on Google Play. :) Please support me there as well. Salamuch!

**********

Tumitingin-tingin si Shelby sa naka-display na mga damit sa isang branded section ng Macy's nang biglang may marinig na bulungan sa kanyang likuran. Nang lingunin niya'y pasimpleng tumingin kunwari ang dalawang brunetter sa mga istante ng mamahaling bags.

"She's too beautiful to be a mistress," narinig uli niyang sabi ng isang babae. Klarong-klaro. Tapos binanggit nito ang pangalan ni Alfonso.

Pinangunutan ng noo si Shelby, pero minabuti niyang huwag pansinin ang dalawa. Nagbingi-bingihan siya. Ang importante sa kanya nang mga oras na iyon ay ang mapag-aralan ang disenyo ng mga best seller na mga damit ng isang kilalang brand para sa high end customers niya.

"Poor little wife. She should have accompanied her husband to that charity event. Things would have turned out differently had she been there," patuloy pa ng isa.

Hindi na nakatiis ang dalaga. Nilapitan niya ang dalawang brunette.

"Are you talking about me?"

Napapitlag sila sa gulat. "Oh, no! Of course not!" At dali-dali silang umalis.

Nahagip ni Shelby ang pagngiti ng isang itim na sales clerk na nakamasid pala sa dalawang tsismosa kanina pa. Nagkomento pa itong naglilipana na raw sa paligid ang mga matatabil ang dila. Huwag na lang daw niyang intindihin. Bahagya niyang tinanguaan ito at umalis na rin doon.

Pauwi na siya sa condo nila ni Dane nang tumawag ang kaibigan. Huwag na raw siya munang tumuloy doon dahil ang dami nang nakaabang sa kanyang reporters. Gusto raw talaga siyang makuhanan ng pahayag sa muntik-muntikanan nang pagsuntukan ng isang three-time MVP at isang team owner ng NFL club. Malaking isyu raw ngayon iyon dahil nga sangkot ang mga VIPs ng football clubs.

Napahilot ng sentido niya si Shelby at nainis siya kay Alfonso. Hindi sana niya maa-attract ang atensyon ng mga paparazzis kung hindi dahil sa dating nobyo. Noong nakaraan ay umepal din ito sa kunwari'y dinner date nila ni Gunter. Tuloy ay napagtagni-tagni na siguro ng mga paparazzi ang mga pangyayari at nagkaroon na sila ng mga pagdududa. Iniisip na may pagtingin pa rin ang dati niyang nobyo sa kanya. Kung siya ang tatanungin, sigurado siyang wala. Nandoon siya noong ianunsiyo ni Alfonso at Teresa ang kanilang engagement. She saw how her former boyfriend looked at his fiancee who is now his wife. Kaya nga labis siyang nasaktan. Dahil ang dating klase ng tingin na sa kanya lamang binibigay ni Alfonso ay nabaling na kay Teresa. Pakiramdam niya ang nararamdaman lamang nito ngayon sa kanya ay guilt o awa. Ang tagal din kasi nila. Almost a decade. Hindi madali ang paglimot sa halos isang dekadang pagsasama kahit na wala nang love.

Nakailang minuto na siyang paikot-ikot sa Manhattan nang mapansin niyang mayroong bumubuntot sa kanya. Bigla ang pag-atake ng kaba at takot sa dalaga ngunit pinilit niyang magpakatatag. She convinced herself that maybe the other driver was just going in the same direction as where she wanted to go. Pero nang sinubukan niyang lumiko kada corner na madaanan niya at lumiliko rin ito, doon na siya nabahala.

"Shucks. What should I do?" naibulalas niya nang malakas.

Dinampot niya ang cell phone sa dashboard ng sasakyan at pinindot ang numero ni Morris. Ang alam niya'y nasa New York pa ito at may kausap na investor sa video game company nila ni Moses. Kaagad namang sumagot ang kuya niya.

"Where are you?" tanong nito. Nandoon na ang urgency sa tinig.

Sumulyap si Shelby sa labas ng kanyang bintana at nangunot ang kanyang noo. Hindi pamilyar ang lugar sa kanya. Ang nakababahala pa ay ang kawalan ng mga buildings o mga bahay man lang malapit sa gilid ng daan.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon