CHAPTER THIRTY-SIX

6.8K 494 63
                                        

Abala si Shelby sa pagtuturo sa mga mananahi niya kung paano ang pagburda sa trahe de boda na kabilang sa kanyang prized bridal wear collection nang nagkaroon ng komosyon sa ground floor. Humahangos na tumakbo si Lyndie papunta sa kanya sa ninth floor ng gusali kung saan ang work area ng mga dressmakers niya nang bigla ring rumadyo ang security guard na nakatalaga sa ibaba. Pinasagot niya iyon sa isa niyang staff at hinarap ang assistant.

"What happened to you?" tanong ni Shelby habang hinahagud-hagod ito sa likuran. Halos hindi na kasi ito makapagsalita sa tindi ng hingal.

"I---I just---I --- ran --- to---here from the---gound floor!"

Napangisi si Shelby. "We have an elevator. You should have used it, silly."

Bago pa makapagpaliwanag si Lyndie ay humarap na ang staff na sumagot sa radyo ng gwardya kay Shelby at binalitang may kaguluhan sa ibaba.

"What? Commotion? Why?" tanong niya sa staff.

Hindi na nakasagot ang staff dahil bigla na lang niluwa ng pintuan ng work area nila si Marinette at tila galit na galit ito. May kabuntot itong ilang alalay at mga kaibigang journalists. Gulat na gulat si Shelby. Bukod kay Gunter, wala na siyang ibang naiisip na dahilan kung bakit nag-uumapaw ang galit ng babaeng ito para lumusob pa sa kanyang building. Noong huli niya itong nakaengkwentro sa isang charity event, pinamukha nito sa lahat na hindi ito naghahabol kay Gunter dahil sa pagka-bankrupt ng negosyo. Kaya ano ang dahilan nito kung bakit pa naparito?

"Ms. Shelby!" anang gwardya.

Ang itim na middle-aged black American guy ay mukhang hiyang-hiya dahil hindi napigilan sa pag-akyat ang grupo ni Marinette. Heto nga't sila na ang nag-trespass pero may guts pa ang bodyguards nitong tumutok ng baril sa gwardiya at sa dalawa pa nitong kasama.

Nagtangka sana ang tatlo niyang security na pigilan pa ang pag-abante ng grupo ni Marinette nang si Shelby mismo ang sumenyas ditong hayaang makapagpahayag ng saloobin ang dalaga.

"We are so sorry, Ms. Shelby!" paghingi pa ng paumanhin ng guard.

"It's all right, Mr. Mitchell," kalmado niyang sabi sa lalaki kahit na medyo na-rattle siya nang makita ang mga baril ng bodyguards ni Marinette na nakatutok sa mga ito.

"Could you please tell your bodyguards to stop pointing their guns at my security personnel?" mahinahon niyang sabi sa babae.

Marinette gave her a bitchy look before glancing at her bodyguards. Imbes na sabihan ang mga itong ibaba ang baril, parang in-encourage pa.

"We do not know if we can trust your security guards. It's good that we are being cautious."

Napalunok nang sunud-sunod si Shelby nang humahangos na nagsidatingan din ang mga bodyguards niya. Tinutukan din nila ng baril ang mga bodyguards ni Marinette. Parang may kumudlit na kirot sa dibdib niya sa nakitang eksena.

"Mang Conrad, ibaba n'yo ho ang baril n'yo. Pakisabi na rin po sa iba," kaagad na mando niya sa pinuno ng kanyang mga tagabantay. Hindi agad tumalima si Mang Conrad. Sa halip, nakita niya pang humawak ito sa gatilyo ng baril dahil parang kakalabitin ng bodyguard ni Marinette iyong hawak din nito.

"My God! You guys! Please!" naiiyak na naibulalas ni Lyndie. Namumutla na ito sa takot. Inakbayan ito ni Shelby at pinisil sa balikat saka binulungan na kumalma ito.

"Will you go straight to the point now, Ms. Schlossberg? To what do we owe this visit?" tanong na lang niya kay Marinette para matapos na.

Nginitian siya nang mapakla ni Marinette tapos humalukipkip ito sa harapan niya.

"I just want to deliver a message personally. My dad received an anonymous call warning him that his happy days are numbered. Just hope and pray that you and your brothers are not involved in these threats because I assure you, I will use all my connections to have all of you deported!"

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon