Sinenyasan ni Shelby si Gunter na magpaalam na, pero parang hindi ito nakakaintindi. Nainis na ang dalaga. Ang pinakainiiwasan niyang pag-usapan nilang mag-kuya ay siyang inuusisa na ngayon sa kanya nila Markus at Moses. Napilitan tuloy siyang magtapat sa mga ito. Subalit imbes na siya ang tanungin ng mga ito, kay Gunter pa ulit napabaling ang dalawa at halos sabay pang nagtanong.
"You proposed to our sister?!"
Kakitaan na ngayon ng kompiyansa sa sarili ang binata. Hinarap niya ang dalawa at sa panatag at kalmadong tinig ay inamin niya ito.
"Yes. I did propose to Shelby but she did not accept it."
"Of course, she wouldnt!" galit na tumayo na si Markus. Nakakuyom ang mga palad. "So Dad is right, afterall. All these favors you are trying to do for us---the ad contract, the proposal for a partnership in acquiring the hotels in Virginia Beach---,"
"Your offer to invest in our video company," sabat naman ni Moses na ikinabigla ulit ni Markus.
"He offered to invest in your company, too?"
"Yeah," kaswal na sagot ni Moses. "But Morris turned him down."
"And you offered to invest in Marius' restaurant business, too!" Si Markus uli.
Napanganga si Shelby. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Guys, calm down. You must understand that I'm a businessman. I know what's good investment when I see one. This has nothing to do with what I feel for Shelby, although if this would earn me some good points---,"
"No!" halos sabay ulit na sagot ng dalawa.
Si Shelby sana'y sasagot doon sa sinabi ni Gunter, pero napabaling na naman ang tingin niya sa halos nanggagalaiting mga kuya.
"Aren't you guys overreacting? Shelby is not a child anymore."
Bago pa makasabat ang mga kuya niya ay napatayo na si Shelby at nag-referee sa tatlo.
"Saglit lang! Ano ba!"
Naitaas pa niya ang dalawang kamay sa pagsusumamo sa mga kapatid. Nang saglit na tumahimik ang mga ito, binalingan niya si Gunter.
"You did all those?" tanong niya. Hindi siya makapaniwala.
Nakitaan niya ng pag-aalinlangan si Gunter. Tila nag-atubili na itong magsalita. Nang sa wakas ay aminin nito na totoo ang mga sinabi ng kanyang mga kapatid, muntik na siyang mapangiti. She had to apply some self-control to restrain herself from bursting into a smile. Aminado siyang sobra siyang na-flatter sa ginawa nito. Ganunpaman, hindi pa rin sapat iyon para mapasagot siya ng 'oo' sa alok nitong kasal. Unang-una, kaka-take off lang ng sarili niyang negosyo. Hindi pa nga siya nakakapangalahati sa bank loan na pinang-umpisa ng business. Pangalawa, gaya ng nasabi niya noon kay Alfonso, wala pa siya sa tamang edad. She's almost twenty four now, but she's still very young to get married. Pangatlo, hindi niya pa ito lubusang kilala. Ayaw niyang magpakasal sa isang estranghero kahit na mukha naman itong maaasahan. Ang kasal kasi para sa kanya ay isang sagradong bagay. Hindi ito basta niluluwa kung ayaw na niya.
"I cannot believe you, Gunter. But then again, I appreciate your efforts," sabi na lang niya rito. Siyempre, ayaw rin niyang masaktan ito. Nagmagandang-loob naman kasi kaya hindi na kinakailangan pang supalpalin nang ganoon katulad ng ginagawa ng mga kuya niya.
"As I have told your brother, I saw them as good investments. I have a good eye for profitable business endeavours so I always grab them when I see them," pangangatwiran pa nito pero hindi pa rin iyon nagugustuhan ng mga kuya niya lalung-lalo na ni Markus.
Dahil alam ng dalaga na walang kapupuntahang mabuti ang usapan, pinakiusapan na lang niya si Gunter na iwan na siya muna sa mga kapatid. Hindi naman siya nagdalawang salita rito. Magalang itong nagpaalam sa dalawa kahit na sambakol pa rin ang mukhang pinukol nila rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/224560626-288-k696417.jpg)
BINABASA MO ANG
TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)
ChickLitSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #6 MAY PRINTED COPY NA PO ITO! INBOX ME IF YOU WANT TO BUY A COPY. ********** SHELBY SAN DIEGO'S, A.K.A "BABY GURR'S", STORY Si Shelby San Diego, nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San...