Nang bandang alas tres y medya ng umaga nagpasya ang magkapatid na umuwi muna sa condo ni Shelby. Imbes na dumeretso ng JFK International Airport sina Matias at Morris, minabuti nilang samahan muna ang bunso. Gano'n din sina Marius at Markus. Katunayan, halos hindi na rin sila nakatulog dahil maya't maya ay napapapuntang kusina si Shelby para uminom ng tubig. Nagigising sila pareho sa kaluskos dahil malapit lang ang living room nito't kusina. Hindi na nga sila nakatiis, sinundan nila ito nang magpunta na naman doon para kumuha ng kung ano.
"How are you holding up?" masuyong tanong ni Marius.
"Sana hindi ka nagagalit sa amin. We just wanted the best for you," ani Markus naman.
Tumangu-tango si Shelby saka kumuha na ng tubig sa ref. Pagkainom ay nagpaalam na ito sa mga kapatid. No'n naman lumabas ng room niya si Matias at nakiusyuso kung ano ang nangyayari sa kusina. Hindi pa nakaalis no'n si Shelby.
"Hindi pa rin ba tayo nakaka-move on sa Gunter issue na iyan? Pwede ba matulog muna tayo?" sabi nito nang walang sumagot sa tatlo.
"We were not talking about him," asik sa kanya ni Marius at nauna na ito. Bumalik na ito sa living room kung saan sila natutulog ni Markus.
"Hey," masuyong bati ni Matias sa bunso. "Are you okay?"
"Yeah. I am," sagot ni Shelby sa pinatatag na boses.
Lumapit si Matias dito saka niyakap ang kapatid. "It pains me---us to see you hurt. Sana isipin mong nagkakaganito lamang kami dahil gusto ka naming protektahan. Pero kung mas lalo kang nasasaktan dahil sa ---you know---you're almost twenty-four, Shelby. You decide for yourself. Just make sure, you also protect yourself, okay?" At tinaas pa ni Matias ang baba ni Shelby. "If you are happy, we, your brothers are the happiest. We love you, baby girl."
Pinangiliran ng luha si Shelby sa narinig. Hindi nga niya naiwasang huwag maiyak.
"I love you, too, Matty." At humagulgol na ito sa balikat ng kapatid. Doon na binuhos ang lahat ng mga nararamdamang emosyon. Mga agam-agam. Hinanakit sa kaibigan. Galit kay Albus. At iyong hindi maitatangging pagka-miss niya kay Gunter.
A huge part of her says Gunter is sincere to her, but there's also that part na parang duda. Kahit kasi nag-propose na ito sa kanya at nagkumahog na magpakasal ay hindi pa rin natigil sa paglitaw ang mga artikulo sa kanila ng dalawa niyang ex. Minsan, nalalathala pang kasama niya si Marinette in what looked like a romantic dinner date. Other times naman si Adeline ang kaabrasiyete. Na-appreciate niya ang ginagawa nito for her pero hindi niya talaga maiwasang magtanong kung ano ang relasyon nito sa dalawang babae kasi kung tatanungin sila mukhang mayroon daw, lalo na si Marinette. As to Adeline claiming they got back together for good, may duda rin siya kung totoo nga iyon. But then again, iyong singsing na iyon... Naikuwento sa kanya ni Gunter iyon, eh. Ang pagkakaalam ni Shelby matagal nang minana iyon ng lalaki mula sa ina. Tradisyon ng pamilya Albrecht iyon. Naisalin-salin na iyon sa limang henerasyon. Galing iyon sa kanunununuan ni Henry Albrecht, ang kanyang ama, at binibigay daw sa susunod na magiging Mrs. Albrecht. Doon medyo sumama ang loob ni Shelby. Kasi kung totoo sa loob ni Gunter ang kasal nila disin sana'y iyon ang binigay sa kanyang singsing hindi ang nadampot lang sa estante ng isang jewelry store. Siguro naman she's worth more than a two-thousand dollar kind of ring.
**********
In Gunter's office a few hours before his civil wedding ceremony with Shelby
"Boss, promise me you will not get mad at me," bungad ni Frederick pagdating na pagdating nito sa upisina ng amo. Kakikitaan ito ng labis na pag-aalala.
Tinaasan lang ito ni Gunter ng kilay habang inaayos ang tux sa malaking salamin na nasa loob na bahagi ng pinto ng built-in closet. Ni hindi nga nag-register sa isipan nito ang sinabi ng assistant.
BINABASA MO ANG
TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)
ChickLitSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #6 MAY PRINTED COPY NA PO ITO! INBOX ME IF YOU WANT TO BUY A COPY. ********** SHELBY SAN DIEGO'S, A.K.A "BABY GURR'S", STORY Si Shelby San Diego, nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San...
