CHAPTER THIRTY-TWO

7.4K 538 100
                                        

Nakailang hinga na nang malalim si Gunter ngunit hindi pa rin ito nag-uumpisa sa pagpapaliwanag. Shelby was getting impatient. Lalo pa't nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito. Dumagundong tuloy sa kaba ang puso niya. May hindi maganda sa pinapakita nitong ekspresyon sa mukha.

"Promise---you will not judge me," pagsusumamo nito.

Napasinghap sa narinig si Shelby. Para na rin kasing pag-amin iyon na totoo nga ang sinasabi ng lady reporter. Pinangiliran siya agad ng mga luha. Hindi niya sukat akalain na totoo iyon. Kasi iba ang sinasabi ng mga yakap nito't halik noong isang gabi. She knew he was not pretending when he said he loved her. Or was it purely lust?

Napalunok nang sunud-sunod si Shelby sa posibilidad na baka niloko lamang siya nito. Kung sa bagay, sa isang magaling umarte ay madali lamang pekein na tunay ang nararamdaman. Sabi nga nila ang isang lalaki daw ay maaaring magpakita ng kakaibang init at pagmamahal sa kama, pero hindi nangangahulugan iyon na totoo sa loob ang pinapakita. Ganoon lang din ba ang ginawa nito? Walang malalim na kahulugan ang pinagsaluhan nila nang nakaraan?

"I love you so much, Shelby. You and Shy---you are my life. But there are things that a man---."

Umiyak na si Shelby. Ibig sabihin ay nag-file na nga ito ng divorce para bigyang tuldok ang kanilang legal connection as husband and wife.

"Shelby, hey."

Nakita niyang tila nataranta si Gunter. Kaagad itong lumapit sa kanya at yayakapin sana siya pero maagap niyang itinaas ang dalawang kamay saka sinenyasan itong huwag lumapit.

"We are important to you? How can you say that after what you did? Now, her fate is floating because of what you did!"

"It's not what you think. It's true I initiated the process but---"

Tinaas uli ni Shelby ang dalawang kamay. Pinatigil na niya sa pagpapaliwanag si Gunter.

"Please leave. I do not need you here anymore. And please do not come back anymore."

"Shelby, I said it's not what you think. It's true I initiated the process but I didn't pursue it."

"I don't believe you, anymore. The mere fact that you thought about divorcing me when Shy's adoption papers are still on the works only tells me one thing. You are not in it for the long haul."

"Shelby, can't you understand? I did try but I did not pursue it. It's no longer on process."

Tumalikod na rito si Shelby. Babalik na sana ito sa kanyang silid nang hinarangan ni Gunter ang dadaanan niya. Nagsusumamo ito.

"I said, leave. I am asking you nicely. LEAVE. NOW."

Magmamakaawa pa sana si Gunter nang biglang sumulpot ang ama ng dalaga. Matalim ang titig nito sa lalaki. Kung nakakapatay lang ang tingin, matagal nang nangisay ang huli.

"Didn't you hear my daughter? She said, leave. Go now before I call the police and have you escorted out of the building."

Mahina lang din ang boses ni Magnus, pero mababanaag sa mukha nito ang tindi ng galit. Nakakuyom pa ang mga palad sa kanyang gilid.

Napasabunot ng ulo si Gunter. Pinangiliran na rin ito ng mga luha.

"This is not the end for us, Shelby. I refuse to accept this as the end for us. I love you and will come back for you and our baby."

"Do not even try. They will not be here waiting for you the next time you drop by." Si Magnus uli. Ang asawa nito'y lumabas na rin ng kanilang silid at nakatayo na rin sa tabi nito. Mrs. San Diego looked so solemn and sad now upon seeing her daughter's misty eyes.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon