CHAPTER ONE

13.1K 485 28
                                    

First portrayer of Shelby San Diego

**********

"Cool off? Na naman? Why?" sunud-sunod na tanong ni Dane, ang matalik na kaibigan ni Shelby. Kasasabi lang kasi rito ng dalaga na nagdesisyon na naman siyang makipaghiwalay muna sa nobyo niyang si Alfonso.

"Ayaw niya akong payagang mag-work dito sa New York. He wants me to go back home with him as soon as he completes his MBA here."

"And for that you broke up with him again?"

Natigilan sa pag-inom ng red wine sa kopita niya ang dalaga nang makita kung gaano ang panghihinayang ng kaibigan sa kanyang naging desisyon. Natanong tuloy niya ang sarili kung tama ba ang kanyang kapasyahan. Pero sa isang banda naisip rin niya na sobrang loyal ni Alfonso sa kanya. Katunayan, sa loob ng walong taon nilang pagiging mag-nobyo at apat na beses na pag-cool off ay hindi man lang ito natingin sa ibang babae. Ilang linggo makalipas ang kanilang break up ay kusa itong bumabalik sa kanya para pagbigyan siya sa kung ano man ang hiling niya. Kaya nakasisiguro siya na itong paghihiwalay na ito ay hindi naiiba. Sinabi rin niya iyon kay Dane.

"That was before. You guys were teenagers then. It's different now. Pareho na kayong nasa tamang edad para magpakasal."

"Marriage can wait, Dane. There's still a lot of things I want to do. I'm just twenty-three years old. Too young to settle down."

Napabuntong-hininga si Dane at napailing-iling pa.

"A guy like Alfonso dela Peña should have been caged a long time ago, Shelby. Nasa kanya na ang lahat, ano ka ba. Guwapo, matalino, mayaman, at galing pa sa buena familia. He's a Soriano-Araneta for crying out loud! Siya lang ang bagay na bagay sa isang katulad mo!"

Nginitian ni Shelby ang kaharap. "He is a dela Peña, Dane. Mom niya lang ang Soriano-Araneta."

"Gano'n na rin iyon. Sayang!"

Bakit gano'n? Sa tuwing nalalaman ng mga tao ang lineage ni Alfonso ay halos ipagduldulan na nila ito sa kanya? Ano naman ngayon kung galing ito sa angkan ng mga mayayaman? Hindi naman iyon ang ginusto niya sa dating nobyo.

"Kapag napikot ng ibang babae rito si Alfonso ikaw rin. Wala ka nang mahahanap tulad niya. Dinig ko engaged na kahapon ang last chance mo sana from the Zobel de Ayala clan. Tapos iyong mga Razon? Huwag mo nang pangarapin. They are all taken."

Dahil umiinom sa wineglass niya nang mga oras na iyon si Shelby at biglang natawa, tumalsik ang ilang patak ng vino at tumulo pa sa baba niya. Mabuti na lang at maagap siya sa pagpahid dito kung kaya hindi namantsahan ang suot niyang puting one piece dress na isa sa mga priced collection niya mula sa paborito niyang designer na si Vera Wang.

"I don't need a rich man to be happy, Dane. I can marry anyone---rich or poor for as long as I love him," paalala pa niya kay Dane.

"And do you think your family especially your brothers will allow you to marry just anyone?" natatawang sagot naman ng kaibigan.

"Of course! They just want me to be happy. And besides money is not everything."

Itinirik ni Dane ang mga mata. "You just say that because you're a San Diego and you do not need to work to feed yourself," medyo malungkot na pahayag pa ng babae.

Natigil sa pagsubo ng broccoli mula sa vegetable salad niya si Shelby. Na-guilty siya nang kaunti kung kaya ginagap niya ang isang kamay ni Dane na nakapatong sa mesa at bahagya itong pinisil.

Kaiba kasi sa kanya, si Dane Felice Florindo ay anak lamang ng isang magsasaka sa Pilipinas na sinuwerte't natanggap bilang nurse sa isa sa mga ospital sa New York samantalang siya, si Shelby Madeline Mariano San Diego, ay nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San Diego. Kilalang-kilala ang kanilang pamilya sa negosyo dahil bukod sa ama may mga pangalan din ang kanyang mga kuya sa iba't ibang industriya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin. Kung hindi nga lang dahil sa pagkakasakit niya minsan at pagkaka-admit sa ospital na pinagtatrabahuhan ng kaibigan ay hinding-hindi sila siguro magkakadaupang-palad nito. Ibang-iba kasi ang mundong ginagalawan nila.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon