CHAPTER THIRTY FOUR

7.4K 534 87
                                    

Pagkatapos yakapin si Gunter ay sinikap ni Shelby na magpakatatag. Subalit hindi niya talaga kinaya. Gusto niyang magkunwari na katulad pa rin ng dati ang lahat pero hindi maalis-alis sa isipan ang nakangising mukha ng journalist nang ipahayag nitong bankrupt na ang Skylark Quandt Corporation.

"Is it because of me?" halos ay pabulong na lamang niyang naitanong nang makabawi sa pagka-shock. May takot sa kanyang tinig. Gusto niyang sagutin iyon nang totoo ni Gunter pero nangangamba rin siyang kompirmahin nito ang kinatatakutan.

"Don't worry, Shelby. Shall we get inside now?" yaya sa kanya ni Gunter sa masuyong tinig. He even dried her tears and kissed her on the forehead.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may isang tao palang nakamasid sa kanila sa hindi kalayuan. Palihim na kinuhanan ang tagpong iyon.

"Good evening, Mr. and Mrs. Albrecht," magalang na bati ng manager ng Eleven Madison Park sa kanila. He smiled at them warmly. Pero sa pakiwari ni Shelby, parang may kalakip na awa ang ngiting iyon. Maging nang pagtinginan sila ng mga servers ng restaurant na dati na nilang ginagawa sa tuwing darating sila roon, hindi na naging maganda ang pakiramdam niya. Siguro nga'y imagination lamang niya ang lahat dahil tila sumasabog ang kanyang puso't isipan sa samu't saring emosyon na nararamdaman. Halos hindi na nga kayang iproseso iyon ng kanyang diwa. Namimigat na ang kanyang ulo.

'This way, madam, Mr. Albrecht," patuloy pa ng manager. Ito mismo ang naghatid sa kanila sa kanilang mesa. Pagkaupo nila'y malugod nitong inabot sa kanila ang menu ng restaurant saka nagbigay pa ng rekomendasyon para sa gabing iyon. Bahagya lang iyong napakinggan ni Shelby. Abala siya sa kamamatyag kay Gunter. Nadudurog ang puso niya sa isiping maaaring wala na itong korporasyong babalikan kinabukasan.

"What's wrong?" tanong ni Gunter sabay baba sa binabasang menu. Ginagap nito ang isa niyang kamay na nasa mesa at pinisil-pisil.

"I'm worried about you," sabi niya rito. Hindi na nagkaila pa.

"Shelby, c'mon. I'm a big boy, remember?" sagot nito. Tumawa pa ito nang mahina. Napasimangot naman si Shelby. Naalala nito ang kanyang ama. Gano'n din kasi ang sinabi nito sa kanya nang ipahayag niya ang pag-aalala kay Gunter dahil sa napanood na balita tungkol sa sunud-sunod na closure ng manufacturing firms sa iba't ibang bahagi ng Amerika na hawak ng korporasyon nila.

Tumangu-tango na lang siya at pinilit ang sariling kalimutan muna iyon. Sinikap niyang magpokus sa dinner nila. Bihira kasi silang lumabas na magkasama. Kung hindi kasi busy sa trabaho, nauubos ang free time niya kay Shy at si Gunter naman ay sa kaaasikaso ng problema sa negosyo.

Mayamaya pa'y tumatawa na sila pareho. Binabalikan kasi nila ang unang pagkakataong nag-propose sa kanya ni Gunter. Ngayo'y natatawa na lamang sila habang ginugunita iyon, pero noo'y sobrang nai-stress sila roon. Inamin niya ritong gulat na gulat siya sa ginawa nito noon.

"I only expected to have a good dinner at a restaurant which was in my bucket list. I never thought I would get proposed to that night."

Napabungisngis na parang teenager si Gunter. He tilted his head as if trying to imagine what she was talking about. Siguro napi-picture out na nito ang kinukuwento ni Shelby dahil lalong naging naging malutong ang tawa nito.

"Was it that unexpected? I thought you kinda anticipate that I would do it after closing the restaurant for us."

Umiling-iling si Shelby. "No." Tinaas pa niya ang isang kamay na animo'y nanunumpa. "I did think that somehow you were going to ask me to be your girlfriend or something like that. But not to be your wife."

"Why would I settle for just asking you to be my girlfriend when I have been trying to pursue you for several months already?"

"Several months?" napangiti si Shelby. "You make it sound like several years."

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon