CHAPTER TWENTY-FIVE

7.8K 493 147
                                    

Naasiwa si Shelby sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Gunter. Para bagang siya na ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Lalong rumigodon ang puso niya nang hawakan pa siya nito sa magkabilang kamay at ipadama ang tibok ng puso.

"What do you feel there?" tanong nito sa mahinang-mahinang tinig.

Napalunok si Shelby. Pakiramdam pa niya gumapang ang pintig ng puso sa lalamunan dahil biglang may bumara roon. Nabibingi rin siya sa lakas ng paghum-hum ng kung ano sa kanyang tainga. Para bang bigla siyang inatake ng mga bubuyog. Hindi siya makaisip nang matino. All she was aware of was Gunter'stare. Nang bumaba ang mukha nito, napapikit na lamang siya. Ang inaasahan niyang marupok na halik ay hindi naman nangyari. Bahagya nga lang sumayad ang mga labi ni Gunter sa labi niya. Para lamang siyang tinakam.

"If start kissing you now, there will be no turning back," nakangisi nitong bulong sa punong tainga niya at dinala ang isa niyang kamay sa balikat tapos hawak-hawak ang isa. Umindayog ito kahit na walang musika. Inikot-ikot siya sa buong silid while humming Eric Carmen's Hungry Eyes and Shelby smiled. Panatag niyang pinatong ang ulo sa balikat ng lalaki.

"Whatever happened in the future, I will always look back to this moment. I will always remember how beautiful you look on our wedding day. Having you in my arms now feels like a warm summer day. Blissful and fun."

Napangiti si Shelby. Hindi niya maikakailang kinilig siya sa mabulaklak na pinahayag ni Gunter. Ganunpaman, hindi niya pinakita sa lalaki na grabe ang epekto no'n sa kanya. Baka mamihasa at hindi na tutuparin ang pangakong liligawan pa siya.

"Oh!" narinig ni Shelby na sabi ng biglang pumasok sa living room. Paglingon niya, nakita niya ang bulto ni Matias na papalabas ng silid.

"Matty!" tawag niya rito sabay kalas sa pagkakayakap ni Gunter. Tumigil naman sa paglakad si Matias at nilingon siya. He looked so solemn, it was strange. Ito kasi ang pinakakwela niyang kapatid na halos ay hindi nagseseryoso kung kausap niya.

"Gusto ko lang sanang tanungin kung saan nakalagay ang wine. Ubos na, eh. Kaso may kausap pa si Frederick sa phone."

"Oh, the wine. Sorry about that," pakli ni Gunter. Pinindot nito sa dingding ang intercom at may inutusang magdala ng vino sa poolside.

Kapwa napamaang ang magkapatid. Sinabi naman kasi ni Matias iyon sa Tagalog. Si Shelby ang mabilis na nakabawi. Naalala niya agad na nag-aaral nga pala ng Filipino si Gunter. Malamang naintindihan na sila ni Matias ngayon.

"You understood what I said?" hindi makapaniwalang tanong pa ni Matias.

Ngumiti si Gunter. "I am studying your language three times a week at four hours per session."

Napanganga si Matty. Si Shelby nama'y proud na proud na nakatingin kay Gunter. She was more than pleased.

**********

"Boss, nagpa-press conference si Madame Margaux sa New York. Sinabi niyang kaya raw kayo nagpakasal kay Ms. Shelby ora-orada ay upang mapadali ang plano n'yong pagtayo ng negosyo sa Pilipinas. Sabi pa niya pinangakuan daw kayo ng pamilya ni Ms. Shelby na tutulungang mapasainyo ang ilang hotel doon na matagal na ninyong pangarap bilhin pero ayaw i-give up ng mga may-ari. Saka ang sabi pa, paraan din daw ninyo ito para mapaigting pa ang pagyabong ng negosyo n'yo sa Asia-Pacific region," sabi agad sa kanya ni Frederick sa German nang lumabas na sila ni Shelby sa poolside.

"What? Sinabi ni Mom iyon?" galit niyang sagot sa German din.

Humingi siya ng paumanhin sa tatlong magkakapatid at hinila muna sa isang tabi si Frederick na mukhang namomomroblema.

"What should we do, boss? Siguradong bukas na bukas ay mababasa na iyon ng mga nakakakilala sa mga San Diego at malamang na maipaalam na sa pinakamamahal n'yong father-in-law bago pa man sumikat ang araw," nakangisi nang saad ni Frederick. Tiningnan ito ng masama ni Gunter. Saka lang sumeryoso ang assistant.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon