02

670 323 112
                                    

C

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C

hapter 2: Lights Camera Action!

Tori's POV

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na kasama ko kanina sa clinic ang dakila at pambansang ipis na si Phoenix!!

Balita ko rin lagi nasa clinic yun para matulog o kaya naman para magcutting clases, hay nako ang mga ganyang tao dapat hindi tinutularan!

Napaka bad influence sa school campus, baka gayahin siya ng mga youngsters. Kaya nga nakakapagtaka kung bakit ang daming may gusto sakanya eh.

Bat di niya ko gayahin?! Masipag na, mabait pa, maganda pa! Wapak! All in one package na san ka pa? Joke, pero kailan kaya magtitino ang isang yon?

Kasama ko si Kira, kahit bestfriend slash pinsan ko siya at hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang pinapagawa sakin ni Principal, di naman yon ganon ka big deal sakin pero ayoko lang na madamay pa siya.

Pati patay ako kay Principal pag may nakaalam, ayokong mapahamak siya sa kalokohan na napasok ko.

"Woi Natori Fiorel, Nakikinig ka ba??!!!" Bukayw ni Kira. Napairap naman ako.

Aish! Kailangang manigaw Kira!? Nandito lang ako oh wala sa kabilang bundok ang kausap mo.

"Ah hinde eh hehe sorry" Pagpaumanhin ko sabay kamot ng ulo. Oh diba atleast honest!

I'm too preoccupied, ang dami dami kong iniisip. Kung pwede lang wag nalang ako mag-isip para di ako mastress.

"Aray!!!!"

Binatukan ba naman niya ko?! Lucas my loves payag ka inaaway niya ko huhu.

"Sorry na Kira huhu kase naman marami akong iniisip!" Sabi ko at napasimangot siya.

"Ano ba yang iniisip mo? Si 'Lucas my loves' mo nanaman ba?" Pang aasar ni Kira hahahaha kilalang kilala niya talaga ako!

"Oo kasama rin siya sa iniisip ko, pero madami talaga ako iniisip, at wag ka na makisali!" Natatawang sabi ko at buti naman tinantanan na niya ko.

Alam ni Kira na ako ang number one hater nung Phoenix na yun at for sure magtataka yun kung magtatanong tanong ako tungkol kay Phoenix.

Sabi ni principal, wag daw akong tatanga tanga kaya kailangan di nila malaman ang hidden agenda ko.....

Pero kailangan ko talaga makakuha ng mga informations about Phoenix eh!

Pano ako mapapalapit at mapapatino ang isang Phoenix Sheridan kung wala naman akong alam sakanya? Hay!!

Ayoko naman na humingi ng tulong kay Lucas dahil di pa ko prepared! Nahihiya ako sakanya waaahhh!!

O walang mag sasabi o bubulong dyan na oa ako! Normal lang naman na mahiya sa crush diba? Diba!?

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon