Chapter 30: Mall
Tori's POV
"Huy! Anong sasabihin ko kay Phoenix?" Natataranta kong tanong kay Kira at mukhang napaisip rin siya.
Waaah di parin ako maka get over kahapon! Kase naman nakagawa siya ng paraan para makaalis kami sa varsity room kagabi.
Syempre tulog na ko ng mga oras na yon kaya di ko na alam ang mga nangyari. Ang naalala ko lang ay binuhat niya ko hinatid niya pa ko pauwi! Nakakahiya nga eh! Kaya gusto ko magpasalamat sakanya nang maayos.
"Sabihin mo 'salamat shopee'" suggest niya at binatukan ko ito.
"Aray Tori ang sakit non!" Reklamo niya, napakamot nalang siya sa ulo at napairap ako.
Anong klaseng suggestion naman kase yun? Stress na stress na nga ko sa unprepared speech ko para kay Phoenix eh!
Mygosh nakita naman niyang serious mode ako diba?! Mamaya na niya ituloy yang kalokohan niya!
"Duh! Edi mag thank you ka! Para kang kinder, Tori!" Pagbara niya sakin.
"Aish! Alam ko naman! Balak ko naman talaga mag thank you ako eh! I mean paano??" Sabi ko at napasimangot
"Bilhan mo ng house and lot" Natatawang biro niya at tiningnan ko siya ng masama.
Jusko Lordz pahingi po ng matinong kausap please. Nauubos na po ang pasensya ko.
Wala ba talaga siyang sineserioso sa buhay? Huh mga crush niya lang ata eh charot love you Kira wag ka na kase marufok.
"Isa!" Banta ko na may halong pikon at napangisi ito "Dalawa?" Ugh ayoko na! Gusto ko ng matinong kausap! Yung hindi taga mental!
"Bahala ka dyan" sabi ko at aalis na sana kaso pinigilan niya ako "Uyy joke lang Tori! Ito naman parang di mabiro"
Tampo pa niyang sabiNapairap ako "Ano nga!?" Inis kung bulyaw at mukhang napaisip siya
"Hmm what if ilibre mo siya like kunyare sa park or sa mall or sa amusment park" suggest niya at napaisip naman ako...
"Gaga ka ba, yang mga lugar naman na sinabi mo tambayan at dating cite ng mga magjojowa eh! Mag jowa ba kami?" Sarcastic ko pang tanong at napangiti ito ng nakakaloko.
"Hindi ba?" Biro niya at ayun na nga binatukan ko ulit siya. Nakakainis eh sinabing wag lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni master eh!
"Aray! Pakyu ka Tori ang sakit non! Ikaw kaya batukan ko?!" Sigaw niya at nag peace sign lang ako.
"Sorry na! Eh ikaw naman kase kung ano ano pinag susuggest mo. Yung matino naman kase!! Walang pumapasok sa isip ko eh waaaah" Sabi ko.
"Nag susuggest lang naman kase eh!" Nakasimangot niyang sabi. Sabagay medjo matino naman yung seggestion niya. Medjo lang....
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...