42

146 58 13
                                    

Chapter 42: Baby sit

Tori's POV

"Psssssst, Tori" Aish boses palang alam ko nang si Kira 'to. Ano nanaman ba kailangan niya?

Lumingon ako sa pwesto niya at tinaasan siya ng kilay "Oh ano nanaman?" Masungit kong sabi

Kitang nag qquiz kami eh maya maya mahuli pa kami na nag uusap ayoko madedention noh!

"Sunget naman neto! Ask ko lang anong sagot mo sa number 4 at 5 dun sa part two?" Tanong niya at nahiyang ngumiti sakin

Yun tayo eh, hihingi pala ng sagot tsk

Magsasalita na sana ako kaso "MISS SALVADOR!" Ay jusko naspecial mention nanaman ako ni Ursula--- este Mrs. Tabada pala hehehehe

"Mrs. Tabada sinong Salvador po? Pareho kaming Salvador hehe" Sabi ni Kira at napakamot ng ulo, aguy isa pa 'to.

"KAYONG DALAWA" Sigaw ulit ni mrs. Tabada, wit weeeew kinabog niya high notes ni beyonce dun ah

"Miss bakit kaming dalawa po? Di ba pwedeng si Tori nalang" Aba bwisit tong si Kira! Pagkatapos humingi hingi ng sagot sakin iiwanan ako!?

"Kira at Tori. Ano binubulong bulong niyo kanina habang nag qquiz?!" Sigaw niya ulit. Aguy di ba niya alam na nakakairita yung boses niya? Kung pwede ko lang siya imute

Pati bakit ba siya nakikialam ha? Tsismosa tong si miss interesado sa pinag uusapan namin ni Kira

"Ah kase miss hihiram lang po sana ako ng correction tape kay Tori, pero napasarap po kami ng chika" Sabi niya.

Napataas naman ang kilay ni mrs. Tabada "Really ms. Kira Salvador? Eh diba ikaw nga ang pambansang hinihiraman ng correction tape? Eh ano yang correction tape sa bag mo?" Sagot ni miss sabay turo sa bag ni Kira

Aish! Bwisit! Di talaga magaling gumawa ng palusot tong si Kira!! Jusko Lord please ayoko madedention. Ayoko madetension. Ayoko madetention-----

"KIRA AND TORI GO TO THE DETENTION ROOM NOW!!" Sigaw ni mrs. Tabada bwisit naman eh!

Tiningnan ko ng masama si Kira at nag peace sign lang siya sakin. Ugh ano magagawa mg peace sign niya!? Di na ko makaka take ng quiz!! Last quiz pa naman yun for the finals bwisit!!

"Uy sorry na, Tori. Huhu alam mo naman na wala akong special talent para gumawa ng palusot eh huhu" Sabi niya at tumango lang ako

Di naman ako galit sakanya, naiinis lang ako dun sa ginawa niya. Todo aral pa naman ako sa quiz na yun kaso wala heto ako naglalakad papuntang detention room huhu

Grabe wala na bang mas gaganda pa sa araw na 'to? Lol

"Next time kase hayaan mo na ako nalang mag isip at gumawa ng palusot. Sana nagtiwala ka sakin" Sabi ko at agad siyang napatingin sakin at tumago tango

"Yes boss!! Idol kaya kita kase lahat ng mga palusot mo kapanipaniwala! Let our response be: sana all" Sabi niya at tinawanan ko lang siya

First time ko pumunta sa detention room. Syempre halong takot at kaba ang nararamdaman ko. Madalas kase na nandon mga basagulero o panay cutting.

Isa rin yun sa tambayan ni Phoenix, ang detention room hshahahhaaha

"Uy Tori ano pala gagawin mo sa foundation day?" Tanong ni Kira. Aish next week na pala yun!! Bat ngayon ko lang naalala??

"Waitress ako sa cafè. Ikaw ba?" Tanong ko at bigla siyang natawa "Hahahahha bagay sa'yo mag waitress!!" Natatawa niyang sabi at napairap nalang ako

"Hoy walang nakakatawa dun noh! Ang saya kaya mag deliever ng order sa mga costumers mo!!" Sagot ko. Woooh I stan waitresses!!

Nang makarating na kami sa tapat ng detention room ay hinarangan kami ni kuya guard.

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon