14

435 202 20
                                    

Chapter 14: Him

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 14: Him

Tori's POV

"B-bakit mo hawak ang diary ko?" Nauutal kong tanong kay Phoenix.

Tumaas lang ako para ayain na siya kumain pero heto nadatnan ko siya na hawak ang diary ko!!

Shit... di kaya may nabasa siya don?? Waaah lupa kainin mo na ko!!

Gulat ako ng ngumisi siya. Shet jusmiomar mukha ngang may nabasa siya sa diary ko!! Si Lucas pa naman mukhang bibig ko don waaaah!!

"I knew it, Tori" Sabi niya at bigla akong nakaramdam ng kaba... a-anong he knew it??

Wag mong sabihing---

"Alam ko na na gusto mo si Lucas" Asar niya at napanganga ako

WAAAAH HINDI... HINDI PWEDE!! ALAM NA NI PHOENIX ANG MADILIM KONG SICRETO KYAAAA LORD GAWIN MO NA KONG KAMBING!!

Shit anong gagawin ko?? Ideny ko ba? Di ko pwedeng aminin sakanya na totoong may gusto ako kay Lucas dahil tyak akong isusumbong niya ko sa pinsan niya!!

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo dyan, hindi ko crush si Lucas noh! Hahahahhaha" kunyari kong sabi pero mukhang di tumabla kay Phoenix ang acting ko huhuhuhu

Waaah naiiyak na ko, hindi pwedeng malaman ni Lucas na gusto ko siya...

Agad akong lumuhod kay Phoenix at umiyak sa harapan niya

"Phoenix parang awa mo na please wag mong sasabihin sa pinsan mo na gusto ko siya.

Nag mamakaawa ako sa'yo Phoenix... alam kong ang desperada ko tingnan pero sana intindihin mo yung situasyon ko...

Matagal ko ng gusto si Lucas at ngayon na magkaibigan na kami... ayokong sirain ang tiwala niya dahil sigurado ako na iiwasan niya ko pag nalaman niya na gusto ko siya.

Please Phoenix alam kong naging masama ako sa'yo dati pero sana wag mo kong gantihan sa ganitong paraan.

Pagkakaibigan nalang namin ni Lucas ang pinanghahawakan ko at ayokong masira ito dahil lang may gusto ako sakanya huhu

Gagawin ko ang lahat! Basta wag mo lang sabihin kay Lucas na gusto ko siya!" Mahaba kong sabi at sabay punas ng luha ko.

Waaah kanina pa ko iyak ng iyak!! Huhu nakakainis naman kase eh sana nilagay ko sa ilalim ng bag ko yung diary ko!! Napaka ireaponsable ko talaga

Gulat ako ng tinayo ako ni Phoenix sa pagkakaluhod ko

"Ang dami mo namang dada. Ang haba nung speech mo kaso hindi ko siya ganon naintindihan dahil ang bilis mong magsalita, pwede mo bang ulitin?" Asar niya at agad ko siyang pinalo sa braso

"Aray! Bwisit Tori ang sakit non!" Pagrereklamo niya at tiningnan ko lang siya ng masama

"Nakakainis ka nakita mo na serioso ako ngayon tas gagawin mo lang biro? Di ka nakakatuwa" Inis kong sabi at napasimangot siya

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon