39

157 71 15
                                    

Chapter 39: We don't talk anymore

Tori's POV

"Huy tulala ka nanaman dyan, kaya pa ba today?" Asar ni Kira habang kumakain ng apple sa harap ko, lihim akong napangisi huh sana malason siya sa apple na kinakain niya.

Wow snow white lang ang peg??

Napasimangot nalang ako at napatingin sa bintana...

Sino ba di malulungkot? Simula kase nung nagdinner kami sa bahay ni Phoenix di na niya ko pinansin huhuhu.

Kase naman sinabi ko na nagpahangin lang ako sa labas pero nakita niya ata ako na kausap ang papa niya huhuhu bat kase di tumalab special talent ko sa paggawa ng palusot? Kung kailan naman emergecy eh!

Gusto ko sana sabihin sakanya yung pinagusapan namin kaso sabi ng papa niya wag dag muna, siya nalang daw ang magsasabi.

Eh kaso ngayon si Phoenix naman ang galit dahil nagsinungaling ako sakanya!

Ay jusko stress na ko parang gsuto ko nalang maging kambing.

Syempre charot lang! Baka magkatotoo mahirap na, baka gawin nila akong nilagang kambing!

"Kira pumasok na ba si Phoenix?" Tanong ko, kahit pa ipagtabuyan ako ni Phoenix ay di ko siya susukuan! Marupok yun sakin eh charot!

"Aba bakit mo sakin yan tinatanong? Ginawa mo naman akong security guard!" Bulyaw niya, grabe nagtanong lang galit agad? Chill lang tayo Kira

"Sis kalma, baka ma-high bloodening ka nanaman dyan" Biro ko, at napairap siya at alalang napatingin sakin.

"Anyare ba sainyo Tori? LQ lang sis?" Tanong niya at sarcastic akong natawa, quarrel lang walang love... wala namang kasing kami eh. Ouch....

"Basta, long story" Tamad kong sabi. Wala ako sa mood makipag story telling sa mga naganap nung isang araw. Masasaktan lang ako eh.

"Good morning class" Grand entrance ni mrs. Tabada, wow wala daw malalate kase may quiz ngayon tas siya naman yung late?

Aba pa V.I.P lang ang peg?

"Okay keep everything on your desk and prepare for the quiz" Sabi ni mrs. Tabada, wushu una sa lahat bakit kaya siya late? hahahaha

Nagpasa pasa na sila ng test paper at sasagot na sana ako kaso biglang may kumatok sa pinto.

Please please please please sana may mag excuse sakin! Ewan nawawalan ako ng gana sumagot hay. Di ko kase maiwasan mag overthink tungkol samin ni Phoenix.

Alam ko naman na dapat di ko 'to iniisip lalo na ngayon may quiz kami sa earth and life science, pero si Phoenix lang naman ng utak ko...

"Good morning mrs. Tabada! May I excuse miss Natori Salvador? This is for the Campus Club pagent" Sabi ni sir Theo.

Omygosh, parang biglang tumayo lahat ng balahibo ko. Okay nagsisisi na ko nang sinabi ko na sana may mag e-excuse sakin!!

Napatingin sakin ang buong klase, wow naman gandang ganda nanaman ba sila sakin? Enebe guysh ako lang 'to hahahaha charot.

Naglakad na ko paalis ng classroom at sa back door na ko dumaan. Agad akong pinuntahan ni sir.

Ayoko nga na malaman ng iba na ako ang Mrs. Campus Club tas spinecial mention pa ni sir! Tsk sayang naman wala nang thrill!

Gusto ko sana na magulat pag nalaman nila yung tipong mapapa nganga sila at papasukan ng lamok level.

Yung tipong from nerd to beauty queen, ganern!

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon