36

190 89 17
                                    

Chapter 36: It's a date!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 36: It's a date!

Tori's POV

"Kira ano mas okay suotin? Itong black na off shoulder long sleeves o itong black na fitted shirt?" Tanong ko sabay turo sa dalawang damit na nakalapag sa kama ko.

Leche ngayon kase yung 'date' namin ni Phoenix! Panalo sila sa game nung isang araw kaya eto daw yung reward ko sakanya, hay jusko ang dami niyang alam! Pero pagbigyan ko na siya dahil nanalo naman sila. Okay na yun.

"Ano yan Natori Fiorel!? Mukha ka namang aattend ng lamay eh!" Sigaw niya at napasimangot nalang ako

"Grabe lamay talaga?" Inis kong tanong at natawa siya

"Kase naman! All black ba talaga ang peg mo? Ano yun feeling batman? O parang outfit yan ng mga magnanakaw eh!" Sabi niya at napaisip ako

Oo nga noh. Naka all black ako. Baka pagkamalan akong magnanakaw nyan.

Pero hello?! Ang angelic ata ng face ko para mapagkamalang magnanakaw noh! Hahahhaha joke

"Oh eh ano gusto mong suotin ko? Mag tube? Magmumukha naman akong pokpokita nyan" Sabi ko at napairap siya

"Hoy grabe ka makapokpok! Nag t-tube rin naman ako ah! Pero di naman ako mukhang pokpok" Sabi niya tsss hindi daw eh halos makita na kaluluwa niya!

"Basta ayaw ko ng revealing" Pagpupumilit ko, conservative kase akong tao eh. Syempre dalagang pilipina lang dapat yeah.

"Hoy nasa 21st century na tayo! Wag kang mag feeling Maria Clara dyan!" Bulyaw niya. Huhu grabe naman siya! Masama na ba ang maging cinservative sa panahon ngayon?!

"Di naman ako feeling Maria Clara! Sadyang conservative lang naman ako!" Bulyaw ko.

Wow ano 'to battle between revealing vs. conservative clothing lang ang peg? Ahahahaha

"Edi magdress ka" Sabi niya ay napasimangot ako "Basta below the knee" Sabi ko naman. Ayoko ng masyadong maiki na dress. Baka makitaan ako nyan noh.

Nagulat ako na may binigay siya sakin na isang dark blue na dress. Para siyang polo shirt na mahaba. Ay basta isearch niyo nalang sa google! Hahahhaha charot

"Wow naman prepared ka ah. Kilala mo talaga ako, at buti below the knee" Natutuwa kong sabi at napairap siya.

"Oo ready talaga ako kase maarte ka manamit!" Sabi niya. Huhu di naman!

Kahit ano naman sinusuot ko wag lang yung masyadong maarte at mga revealing na damit. Mas gusto ko yung simple lang tulad ng shirt with pants or joggers o di kaya mga long sleeves at hoodie pag malamig.

"Sige na chupi na at mag aayos na ko" tulak ko sakanya palabas ng pinto.

Kailangan ko na maghanda at dapat agahan ko. Mahirap na maya maya maaga nanaman akong sunduin ni Phoenix at magahol ako nyan.

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon