27

350 156 21
                                    

Chapter 27: Bonding?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 27: Bonding?

Tori's POV

"Hoy babae tumayo ka dyan at maligo. May pupuntahan tayo"

Boses palang alam ko nang si master Phoenix 'to. Tsk ang sarap sarap pa ng tulog ko eh!!

Binuksan ko ang mga mata ko at tumambad sakin ang poker face ni Phoenix. Hay ano bang bago?

Sabi nga niya 'he's the boss' daw! Mukha ba akong may choice? Syempre wala! Sino ba naman ako para umangal hmp.

Pati nandito ako sa pamamahay niya kaya dapat behave lang ako. Baka bigla ako sipain neto palabas ng bahay nila huhu! Wag ganon master.

Syempre alam ko naman di niya gagawin yun. Malakas kaya ko sakanya! Wahahahaha natawa tuloy ako!

"Hoy anong tinatawa tawa mo dyan? Baka gusto mong dalhin kita sa mental" iritado niyang sabi. Napatingin ako sakanya at inirapan ito.

Mygosh masama na bang tumawa ngayon? Kasalanan ba ang tumawa? Hindi naman kasama ang pagtawa sa seven deadly sins ah?

Hay nako mga tao talaga ngayon hindi ko maintindihan ang mood swings!

Parang kahapon lang ang bait bait niya sakin eh! Nag chikahan pa nga kami ang stuffs. Tas ngayon inaaway niya nanaman ako?!

Nako onti nalang iisipin ko na baka sinasapian siya! Hahaha char, bipolar lang siguro.

"Tatayo ka dyan o itatapon kita sa bintana!" Banta niya.

Bigla naman ako napabangon sa kama nang wala sa oras. Gosh tong Phoenix na 'to! Umagang umaga ang sungit sungit!

"Eto na master babangon na!" Natataranta kong sabi at tumayo na sa kama.

Tiningnan ko siya ng masama at inirapan ito. Bumangon na rin ako dahil baka totohanin niya na ihagis ako sa bintana.

Medjo magaling na rin ang mga sugat ko. Pero hindi yung super galing na 100% pero hindi na ito ganon kasakit at scars nalang ang natira.

Buti pumayag sina papa na dito muna ko magstay. Nakakahiya nga eh pero pinilit nina ate Pauline at ate Pearl na dito muna ko para maalagaan nila ko.

Ang sweet talaga nila! Kinikilig ako! Chos. Pero I really appreciate na gusto nila ako alagaan. Parang pamilya na talaga ang turing nila sakin...

Di tulad ng iba dyan. Di ko naman sinasabing si master Phoenix yun pero parang ganon na nga.

Agad kong kinuha ang puting towel ko at pumuntang cr para maligo. Medjo natagalan ako sa pagligo dahil syempre lalabas ulit ako at gusto ko magmukha naman akong fresh!

Pagkaligo ko ay agad akong lumabas para makapagbihis. Bigla kong naalala na wala dito ang mga damit ko! Nasa living pa pala yun! Shit pano na yan?!

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon