38

166 76 9
                                    

Chapter 38: Dinner

Tori's POV

"Tori!" Napalingon ako at nakita ko si Phoenix na tumatakbo papalapit sakin. Mukhang late sila pinadismissed ni coach ah.

"Sorry natagalan ako, may pinag planuhan pa kase" Sabi niya at pinunasan ang mukha niya na puro pawis.

"Okay lang, Phoenix" Sabi ko. Kinakabahan parin ako sa 'family dinner' mamaya kasama papa niya.

Natatakot ako baka magkagulo nanaman, ayoko naman na lagi niya ko pinagtatanggol sa papa niya, ako rin ang nahihiya.

"Gusto mo pumunta muna tayo sa plaza para makapag ikot ikot?? Mamayang 7 PM pa naman yung dinner" Suggest niya.

Napasimangot naman ako, mukha pagod na pagod nga siya tas mag aaya pa siya na lumabas? Mas mabuti na magpahinga muna siya, pagod na pagod siya eh oh.

"Phoenix pagod ka, magpahinga ka muna" Sabi ko at kinuha ang water bottle ko at binigay ito sakanya.

Sa totoo lang mukha siyang stress at pagod. Alam niya kaya na makakalaban ko siya sa club pagent? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Hay...

"Pano ka? Di kita iiwanan" Sincere niyang sabi at lihim akong napangiti.

Kahit pagod siya ako parin talaga iniisip niya. Yiee napaka sweet at caring talaga ni master Phoenix.

But I must say, that I don't deserve him.

He's too much

He deserves better

"Gusto mo magstay muna lang tayo sa bahay para makapagpahinga ka" Sabi ko. Nung una ayaw nihihiya siya pero buti nakinig rin siya sa huli.

Ayaw niya daw kase ako mabored

Tumambay kami sa bahay. Tinext ko si papa na dadalhin ko si Pheonix sa bahay, mas mabuti na yung alam ni papa. Ayokong maglihim sakanya eh. Maya maya kung ano pang isipin niya samin huhu ayoko ng ganon noh!

"Sure ka ba talaga okay lang---" di ko siya pinatapos. Jusko ikasampung beses niya na atang tinanong yan eh!! Tiningnan ko siya.

"Oo nga ang kulit mo! Gusto mo sa bubong ka tumambay" Inis kong sabi at pumasok na sa loob.

Aba ang kulit kase eh! O baka naman gusto niya dun sa dog cage magstay? Wag choosy master Phoenix!

Pumasok na rin siya at umupo sa couch namin. Di naman ganon kalaki ang bahay namin, sakto kang siya para sa dalawang tao.

Lumapit ako sakanya "May gusto ka bang kainin o inumin?" Tanong ko. Para makapagluto ako, ayoko namang magutom siya.

"Okay lang ako" Sabi niya. Tumango ako at tataas na sana para makapagbihis kaso laking gulat ko nang hinila niya ko at niyakap

"Tori, what's bothering you?" Bulong niya sakin. Napabuntong hininga ako, ganon ba kahalata?

Di ko alam kung bakit ang big deal sakin na makakalaban ko siya sa club pagent

Ayaw ko siyang makalaban.

Umupo ako ng maayos at hinarap siya "Totoo ba? Ikaw ang representative ng club niyo?" Tanong ko at biglang sumerioso ang aura niya at napatahimik nalang siya. So totoo nga.

"Nabanggit siguro sa'yo ni Kira. Oo ako ang representative. Ayoko sana pero, si coach kase eh" Sabi niya at napatango nalang ako. Naiintindihan ko naman siya. Mukhang malaki ang expectations sakanya ng mga ka-team niya.

"Bakit mo pala natanong? Sainyo sino ang Mr & Mrs Campus club sainyo?" Tanong niya. Mukhang di niya pa alam na makakalaban niya ko huhuhu sorry Phoenix...

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon