04

597 311 57
                                    

Chapter 4: Knight And Shining Armor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter 4: Knight And Shining Armor

Tori's POV

"L-lucas?? Bakit kailangan mo kong dahil dito sa stockroom?? P-pati may pupuntahan pa kase ako eh" nauutal kong tanong.

Waaah di parin ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon!!

At take note, kaming dalawa lang nandito huhu kinikilig ako na medjo na-aawkwardan.

Parang ganito yung mga eksena na nababasa ko sa wattpad. Yung nasa isang abandonadong room yung dalawang bida tas masstuck sila at hindi sila makakalabas tas mag uusap sila at----

"Sumama ka sakin" sabay hila sakin. Mygod Lucas ano bang nangyayari sa'yo? From crush to kidnapper.

"T-teka san mo ko dadalhin? TULONG TULONG POOO MAY KIDNAPPER PO DITO AT BALAK NIYA PO AKO IBENTA SA MGA FOREIGNERS!!!" Sigaw kong sabi at pinagtitinginan na ko ng mga schoolmates namin.

Ay ang oa ko ata masyado. Kidnapp agad?

Waaaaah Lucas alam kong crush kita at matagal na kitang gusto pero wag mo muna akong itanan!

Sinior high students palang tayo gusto ko muna magcollege at makapagtapos ng pag aaral tas syempre magtrabaho pero wag naman sana yung kailangan pa namin magtanan! Kung mahal niya talag ako hihintayin niya ko----

"Natori Fiorel?" Napatingin ako sakanya.

Aish! Nakakahiya tong ginagawa ko! Bigla siyang natawa

"I'm not going to kidnap you, pero pwede rin naman pag sumigaw sigaw ka pa dyan" pagbiro niya, kyaaaa!!!

Ganito pala ang feeling pag kausap mo yung all time crush mo? Parang kang nasa cloud nine! Sana lagi nalang ganito.

"We need to talk about something" serioso niyang sabi habang naglalakad parin kami.

Uwaaahhh?? Don't tell me balak niya kong pakasalan!! Hala 19 years old palang ako!! Kung mahal niya talaga ako makakapaghintay siya----

"Hey are you listening?" Tanong niya, hala nag d-day dream nanaman ako!

"Ah oo pero parang ang hina masyado ng boses mo eh di ko narinig" sabi ko napabuntong hininga siya at sinabi

"What I said awhile ago is about your mission, when are you planning to befriend with Phoenix?" Tanong ni Lucas, shet parang dudugo naman ilong ko nyan!

Bat ayaw niya magtagalog?

Di niya ba mahal ang perlas ng silanganan alab ng puso sa dibdib mo'y buhay lupang hinirang duyan ka nang magiting----

Teka kinakanta ko na yung bayang magiliw eh!!---- este Lupang hinirang pala.

Feeling banyaga 'to! Pero exeption siya kase crush ko naman yan.

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon