44

125 40 15
                                    

Chapter 44: Finals

Tori's POV

"Teh anong itsura yan? Mukha kang zombie. Raaaawr" Natatawang asar si Kira at napairap nalang ako.

"Anong rawr ka dyan? Bobita sa tiger kase yon! Pano naman naging rawr ang zombie? Isip isip rin pag may time, Kira" Pagbara sakanya ni Tracey

Yes tama yan Tracey, kampihan mo ko

"Pero agree ako dun sa sinabi mo na mukha siyang zombie" Tuloy niya at napasimangot ako.

Trahidor ka Tracey!!

Inirapan ko nalang sila. Wala eh two versus one edi talo na ko. Oo na ako na mukhang zombie!!

"Bakit ka nga ba mukhang zombie ngayon Tori?? Anyare sis, broken hearted ka ba?" Tanong ni Kira at napakunot ang noo ko

Anong broken hearted siya dyan??

"Baliw hindi. Okay naman kami ni Phoenix. Late na ko nakatulog kagabi dahil sa kaaaral para sa finals. Lalo na ang daming aaralin sa stats and prob!" Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko sa locker

"Ay wow sana all nag aral na! Ako nga hindi pa eh!" Proud na sabi ni Tracey. Tsk tingnan mo 'to proud pa siya sa lagay na yan ah.

"Teh next week pa finals bakit nag aaral ka na agad?? Chill ka lang maya maya lampasan mo na ang langit dahil sa sobrang kasipagan mo" Sabi ni Kira at kinuha na habang kinukuha ang mga libro niya at sinara na ito.

"Di ko nga alam kung paano ko sisimulan ang pag rereview huhu parang tinatamad ako, parang lang naman" Sabi ni Tracey at napakamot ito sa ulo

"Edi group study tayo, sa bahay mo Kira" Sabi ko at bumaba na kami ng hagdanan, lunch break na ngayon kaya agad kami bumaba para kumain.

"Kayo ha, ginawa niyo nang tambayan ang bahay ko" Pailing iling na sabi ni Kira at natawa nalang kami.

"Wag ka ngang feeling dyan, masarap kase magluto si tita Kelsey, miss ko na mga luto niya" Sabi ko at pumasok na kami sa loob ng canteen.

"Ay grabe so pagkain lang yung habol niyo? Hindi ako?" Tampo na tanong ni Kira at sabay kaming tumango ni Tracey.

"Grabe kayo, ang sama sama niyo hmp nagtatampo na ko" Nakasimangot niyang sabi at napangisi nalang ako

"Bakit ka nagtatampo? Jowa ka ba ha, jowa ka?" Pambara ko at tiningnan niya ko ng masama

"Porket may jowa ka! Edi wow sa'yo Toru walang forever!" Inis niyang sabi at nagpout pa, awww tampo siya ih

"Bitter ka lang kase wala kang jowa! Wahahahaha!" Tuloy ni Tracey

Kung kanina Kira & Tracey vs Tori ngayon naman Tracey & Tori vs Kira. Oh diba real quick

"Mga trahidor kayo! Mga pashneya!" Kunyaring sigaw ni Kira at binigyan namin siya ng weird na tingin.

"Okay ka pa ba ghrol? Kaya pa today?" Natatawa kong sabi at inirapan niya nalang ako.

Pumila na kami sa canteen para makakain na, after kase namin kumain ay agad kaming didiretso sa library para gawin ang research namin.

Nagsimula na kaming kumain at napag usapan namin ang finals exam na next week na gaganapin

"Ano ba first day natin?" Tanong ni Kira at sumubo ito. Hay nako malapit na exam dapat alam na nila yung sched ng subjects

"Sa monday ay PolGov, Statistics and probability, at HOPE. Sa tuesday, Earth and life science, RelEd. Sa wesnesday naman World Religion, Creative writing at UCSP. At sa thursday naman Oral com at Research" Sabi ko at uminom ng lemon juice .

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon