41

148 59 22
                                    

Chapter 41: Ice skating

Tori's POV

"Kiraaaa!!!" Bulyaw ko sabay hampas sakanya ng unan. Inis siyang napatingin sakin at sinamaan ako ng tingin

"Hoy Fiorel! Alam kong kinikilig ka pero wag mo naman ibuntong sakin yang kilig mo! Iniingit mo ko e" Sabi niya at napasimangot

Awww okay lang yan Kira. Magkaka lovey dovey ka rin in God's perfect time.

"Bakit ba? Anong tinext sa'yo ni Phoenix?" Tanong niya at binigay ko sakanya yung phone ko

"Hala ka butiki ka! Inaaya ka niyang lumabas! Syet ang haba talaga ng hair mo Tori! Sana all!" Mahaba niyang sabi at napairap nalang ako

Sa totoo lang kinikilig talaga ako. Lalo na nung gabing umamin ako, ang sarap lang sa feeling na nasabi mo na yung bagay na matagal mo nang kinikimkim sa loob mo, yes di na ko torpe.

Gusto ko sanang sumama kaso, kinakabahan ako, baka maging awkward kami? Ay ewan di ko alam

"Sasama ka ba sis?" Tanong niya at umiling ako. Gusto ko sana kaso.... wag nalang

"Ah... Tori...." Kinakabahan niyang sabi. Oh problema neto? Natatawa ako sa mukha niya, mukha siyang natatae na naiihi at the same time

"Bakit?" Tanong ko. Kilala ko si Kira alam kong kay kababalaghan nanaman siyang ginawa jusko Lord

"N-natype ko kase sa chat niyo n-ni Phoenix na y-yes eh" nauutal niyang sabi at muntikan ko na maihagis sakanya ang cabinet

Syempre muntikan lang naman, di ko kayang buhatin yun!

"ANO?!" Sigaw ko at ginulo ko ang buhok ko. Pambihira naman Kira!

"Bakit mo naman ginawa yun?! Ikaw ba si Tori? Hindi naman diba?!" Bulyaw ko at naka pout lang siya

Huh sorry nalang Kira dahil di na tumatabla sakin yang pa-cute effects niya! Bulok na yan!

"Sorry na huhu. Kala ko kase gusto mo sumama I mean hellur si Phoenix yan oh huhu. Ayaw mo yun may taga type ka" Sabi niya at napasimangot nalang ako

Bwisit wala naman akong magagawa eh! Nakareply na siya!

Maya maya lang ay biglang nagvibrate ang phone ko. Hmmm feeling ko si Phoenix 'toh

From: Gwapo mong MVP
Okay. I'll pick you up later 1 pm see you later Tori. I love you

Shet may pa 'I love you' pa siya oh. Napakaganda nga naman ng umaga ko

Mag i love you too ba ko? Huhu wag na nga ang corny, di bagay sakin

Aba himala di na lovey dovey name niya sa contacts ko pinalitan niya ata eh

2 pm?? Aigooo for sure dadating siya ng 1:55! Lagi naman siyang ganon eh advance sa pick up time!

"Anong sabi anong sabi!" Naeexcite na tanong ni Kira. Wow ha mas mukha pa siyang excited kaysa sakin

"Basta susunduin niya ko mamayang 1 pm" Sabi ko at napatingin sa orasan. 10:30 am pa lang naman. Nakakapaghanda pa ko

"Pwede ba ko sumama? Malay niyo kailangan niyo mg assistant na muchacha---" di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya

"Isa Kira" Seriosong banta ko at mukha naman siyang natakot.

"S-sige alis na ko! Bye enjoy sa date niyo mamaya!" Nagmamadaling sabi niya at tumakbo palabas ng pinto sa kwarto ko

It's been a week na rin nung pagent, and speaking of pagent....

Well di kami naging winner. First place ang club namin habang ang club naman nina Phoenix ay second place

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon