Chapter 34: Phoenix
Tori's POV
Nagulat ako ng may binigay sakin si Lucas na isang pastel blue na envelope. Teka para saan 'to?
"Basahin mo yan after ng retreat. Magpapahinga na ko, goodnight Tori" Paalam niya, mag g-goodnight back rin sana ako kaso naglakad na siya paalis.
Umalis na si Lucas at iniwan na niya ko mag isa pagkatapos niyang sabihin ang nararamdaman niya para sakin.
At heto ako, naiwan naman akong tulala at natameme parin.
Di parin talaga ako makapaniwala sa mga nasabi niya kanina. Ang hirap isink in sa utak, ang hirap tanggapin.
Napatingin ako sa envelope. Ano namang nakalagay dito? Nacurious tuloy ako... gusto ko na sanang basahin kaso sabi ni Lucas after retreat daw eh. Bahala na mamayang gabi ko nalang ito babasahin....
Naglakad na ko para hanapin sina Kira at Tracey.
Nawalan na ko ng mood. Parang gusto ko muna mapag isa para makapag isip isip naman ako. Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari pero pinipilit ko nalang na intindihin ang situwasyon.
Pero nahagip ng mga mata ko si Phoenix na nasa sulok lang at nakatitig sakin.
Teka ako ba tinititigan niya? Maya maya feeler nanaman ako eh! Huhu.
Nagulat ako nang lapitan niya ko. Ugh wala talaga ako sa mood makipag usap. Magsasalita na sana ako kaso---
"Tori" Tawag niya sakin at hindi niya parin pinutol ang pagtitig niya sakin
Dugdug dugdug dugdug
Leche! Ayan nanaman yang pesteng heartbeat ko, bakit ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko? Chill lang heart! Si Phoenix lang yan!
"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Wag kang kabahan Tori! Nasan na yung matapang at palaban na Tori? Umamin lang sa'yo ni Lucas mawala ka na sa sarili mo.
Wag kang maging marupok sa mga titig ni Phoenix!
"Thank you and sorry" Panimula niya.
Teka. Wag don't tell me sakin niya ibibigay yung 'sorry' at 'thank you'? Bakit naman??
"Una sa lahat sorry. Sorry sa pang aaway at pang b-bully ko sayo at sa pang aaway ko sayo lagi. Nung una ay inis na inis ako sa'yo dahil lagi tayong nag aaway at bag aasaran na parang aso't pusa pero habang tumagal ay nasanay na ko at nagiging masaya na ko pag kasama kita. Ang sarap mo kaseng asarin eh" Sabi niya at napangisi at agad ko naman siyang binatukan.
"Aray! Ang sakit non!" Sigaw niya at natawa nalang ako. Bwisit ayanumabas na galing sa bibig niya na gusto niya talaga akong inisin at pikonin! Hmp.
Aba mag ssorry na nga lang kailangan pang mang asar!
"Sorry kung pinapahiya kita lagi kay ms. Tabada. Ang cute mo kaseng galitin eh, yung tipo na iinit yung dugo mo tas titingnan mo ko ng masama na parang di na ko sisikatan ng araw bukas" Natatawa niyang sabi at nakapoker face parin ako. I hate you master.
So ano nag s-sorry sorry siya dyan pero pinagtatawanan niya ko?
Eh kung di ko kaya siya patawarin! Lakas mang asar eh baka nakakalimutan niyang humihingi siya ng sorry sakin!
"Sorry kase sinusungitan kita lagi. Tinatamad lang talaga ako magsalita eh" Sabi niya at tumawa ng mahina. Lagi namam siyang tamad eh, walang bago dun.
"Sorry kung nagiging careless at insensitive ako. Wag kang mag alala magbabago na ko" Confident niyang sabi niya at sumaludo pa. Wow feeling soldier eh noh? Chos.
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...