21

381 164 21
                                    

Chapter 21: Another mission

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 21: Another mission

Tori's POV

"TORI BANGON NA MALALATE KA NA"

Inaantok pa ko pero nung narinig ko yung salitang 'late' ay napabangon ako bigla nang wala sa oras.

Pakiramdam ko para akong bangkay na bumangon muli galing sa kabao. Naks rise from the dead lang ang peg?

Napatingin ako sa relo ko at halos mapatameme ako.

HALA SHET KANG PALAKA KA. 7:01 NA 14 MINUTES NALANG MALALATE NA KO WAAAAHHHH

Agad akong naligo at binilisan ko, shampoo, sabon, at toothbrush lang keri na!!

Di naman ako nag wisik wisik lang noh! Dapat fresh parin! Aish Tori wag ka mo na unahin yang kaartehan mo! Dalian mo at malalate ka na oh!!

Pagkaligo ko ay agad akong nagbilis at nag ayos ng sarili at bumaba na ko.

Lalabas na sana ako ng bahay kaso niyaya ako ni papa na kumain "Anak Tori, kumain ka muna"

Waaahhhh!!! Kahit gusto kong kumain ay malalate na talaga ko!!! Bahala na sa school na ko kakain!!

Kumaway nalang ako kay papa at lumabas na ng gate.

"Papa late na po ko eh next time nalang po!" sabi ko at umalis agad.

Buti nalang may tricycle na nakaabang kaya nakasakay agad ako. Tiningnan ko si kuya driver na chill chill lang sa pagpatakbo ng trycycle.

Waaah wala na bang ibibis 'to??  Habang nasa tricycle ako ay napatingin ako sa relo ko.

Waaahhhh 7:15 na!!!

Wala na late na ko leche naman eh!!! Napasimangot ako ano na gagawin ko?tsk sayang yung effort ko sa pagmamadali eh malalate rin naman!

Malalate rin lang pala ako sana kumain na ko ng breakfast huhu nagugutom na talaga ako eh huhu kainis naman!

Sana di ko tinaggi offer ni papa nung inaya niya ko kumain.

Sabi nga nila 'bawal tumanggi sa blessings' hay nasa huli talaga ang pagsisisi.

Dahil gutom na talaga ako napagdesisyonan ko na kumain muna sa mcdo dahil gutom na gutom na ko.

Nag order ako ng chicken fillet with rice tas spaghetti oh diba gutom talaga! Hahahaha sorry na di na kaya ng stomach ko.

Late na ko nakatulog kagabi dahil ano kase.... kase naman yung bwisit na ipis si Phoenix kase!!

Inalala ko parin yung akala ko na.... AKALA KO IK-KISS NIYA KO HUHU nakakabwisit nakakahiya! Hindi naman ako assuming non pero ang lapit kase ng mukha niya sakin! Ramdam ko pa yung sobrang bilis ng puso ko!

Wala akong mukhang maihaharap sakanya! Bakit kase nakapa feeler ko?!

Di ko alam kung bakit parang umasa ko na hahalikan niya ko? Aish!

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon