Chapter 37: Pagent
TORI'S POV
"Wow naman ganda ng ngiti natin ah" bungad sakin ni Kira.
Napairap nalang ako, aba masama na ba ngumiti ngayon? Well maganda gising ko eh hehehhe bakit ba.
"Alam kong maganda ako" Sabi ko at nilapag ang mga gamit ko at natawa naman siya
"Hoy ang sabi ko yung ngiti mo yung maganda hindi ikaw!" Inis niyang sabi at napasimangot nalang ako. Basag trip talaga tong si Akira aish!
Nagchikahan lang kami hanggang sa dumating si Pheonix at inabangan ako sa may pinto, ngumisi sakin si Kira
"Oh andyan na pala veve mo, maiwan ko na kayo magmumukha lang akong third wheel huhu" Napasimangot niyang sabi at umalis na.
Lumabas ako ng classroom para puntahan naman siya, sayang naman pag akyat niya ng third floor kung di ko susupotin noh! Hahahahaha.
"Hi, good morning" Bati ko sakanya at napangiti ito. Hmmm mukhang maganda rin gising niya ah?
"Mas maganda ka pa sa umaga" Sabi niya at natawa nalang ako. Wushu wag ako Phoenix, nabasa ko na yan sa mga joke sa facebook.
"Dami mong alam" Sabi ko pero deep inside kinikilig, enebe wag ka ngang ganyan Tori! Umayos ka! Wag kang magpapadala sa mga sweet words ni Phoenix!
"Atleast may alam" Sagot niya at napatingin nalang ako sakanya, teka line ko yun ah gaya gaya siya! Idol niya talaga ko noh???
"Bat ka ba nandito? Bumalik ka na sa classroom mo, malapit na magstart ang classes baka malate ka nyan" Pagtaboy ko sakanya, di ko naman talaga gusto na umalis siya, pinagtitinginan na kase kami ng iba naming mga batchmates eh.
Ayoko ng issue.
Bumulong itio sakin "Namiss kita eh" Di ko mapigilang mapangiti. Aish! Ganito ba talaga ang epeko sakin ng isnag Phoenix Sheridan?? Para siyang drugs na nakakapagbaliw sakin!
"Namiss rin kita, kamusta pala yung seminar?" Tanong ko at napasimangot ito hahahaha mukhang nabored siya ah... feeling ko lang naman.
"Asusual, boring hahahaha pero may natutunan naman ako" Sabi niya at nginitian ako.
Aba buti naman, sayang naman kung wala siya natutunan dun sa basketball seminar na sinamahan niya noh.
"Di nga lang ako makafocus dahil iniisip kita" Malambing niyang sabi at natawa nalang ako, ang corny niya mygosh! Wag kang kiligin dyan Tori!!
"Stop playing games with me Sheridan, bumalik ka na sa classroom mo" Sabi ko at aalis na sana kaso gulat ako nang hinawakan niya nag pulsuhan ko ay hinila ako papalapit sakanya.
Omygod! Ang lapit ng mukha niya sakin jusko Lord nakakaduling naman ang kagwapuhan niya! Sana lahat pinagpala.
"Fuck, I'm not playing games with you. Tori" Bulong nito in a husky voice at umalis na, iniwan akong nakatulala.
Hindi ko naman ginusto na maoffend si Phoenix... aish! Watch your words kase Tori tingnan mo nagtampo tuloy!! May tiwala naman ako sakanya eh.
Alam ko naman Phoenix eh, alam kong di mo ko pinaglalaruan. I still feel guilty na lagi ko siyang pinagtatabuyan nung mga panahong nahuhulog na ko sakanya.
Lagi kong dinedenay na wala akong kahit anong nararamdaman sakanya kahit meron na.
Naiinis ako sa sarili ko, kase wala akong magawa para kay Phoenix. Siya nalang lagi gumagawa para samin, sa no-label relationship namin, pero ako wala man lang magawa para sakanya.
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...