43

136 46 11
                                    

Chapter 43: Foundation day

Tori's POV

"Ay ang bagal naman maglakad Tori! Wala tayo sa prosisyon!" Bulyaw ni Tracey, aba bwisit napakademanting naman neto!

"Ano gusto mo, tumakbo ako na kasing bilis ni flash ganon?" Pag bara ko sakanaya, kainis kase inaantok pa 'ko eh! Kung di lang siya malakas sakin

Inirapan niya lang ako at binisilan ang lakad niya, malalate na kase kami eh faundation day pa naman ngayon

Naglakad na ulit ako kaso bigla siyang tumigil at lumingon sakin "Sige bagalan mo pa Tori! Late na nga tayo oh!" Sigaw niya at natawa nalang ako

I believe in the saying kase na 'It's okay to be late, than very very late' Oh diba may nalalaman na kong ganon!

"Anong oras ba curfew mo?" Tanong ko at humarap siya sakin at napasimangot siya

"KANINANG 8 AM PA! LATE NA NGA KO OH KAYA NGA DALIAN MO EH" Sigaw niya at tumakbo na dahil malapit na kami sa gate ng school

Aba sorry naman! Kung alam ko lang na malalate na siya edi sana binilisan ko diba? Buti nalang mamaya pang 10 am curfew ko hihihi malakas ako kay president eh

Napatingin ako sa relo ko 8:35 am na pala tsk aga pa naman!!

Naunang pumasok sa gate si Tracey at nakasunod lang ako. Pagkapasok ko ay agad ako binati ni kuya guard

"Good morning Tori! Late ka nanaman ah" Biro ni kuya guard, actually di naman siya joke kase totoo naman

"Ganon talaga ang buhay kuya guard, wala namang bago" Sabi ko at ngumiti

Pumasok na ko sa loob at napanganga nalang ako. Wow ang daming tao

From high school to college kase ang mga nandito eh, ang daming booths, rides at syempre di mawawala ang paborito kong mga food stalls!

Foundation day ngayon kaya kahit ano pwede suotin, kahit nga one peice o di kaya pajama eh! Charot lang

Naka pastel blue ako na fitted polo shirt at naka denim pants, and white shoes simple but.... ayun hanggang simple nalang tayo ang daming dada ni author eh

Naglakad na ko pataas ng classroom namin, aish nakakapagod naman maglakad! Imagine niyo nilakad ko ang bahay papuntang school huhu

Tas third floor pa 'tong classroom namin huhu pag ako talaga nating principal o di kaya directress ng school magpapalagay ako ng elevator o escalator, we care for our students o pak! Pwede na diba?

Pagkaakyat ko ng classroom ay agad kong nilapag ang bag na dala ko, kinuha ko lang ang phone at wallet ko at umalis na.

Hmm ano kaya pwedeng gawin ngayon?

Bababa na sana ako kaso may biglang humila sa bewang ako at sisigaw na sana ako kaso may biglang nagtakpan ng bibig ko, sa katawan palang alam kong lalaki ito.

Jusko Lord, eto na po ba ang sign na kukunin na ko ni kamatayan? Huhuhu Lord naman eh ischedule niyo na lang po yun mamayang hating gabi, gusto ko muna ienjoy ang food stalls ngayong foundation day huhy last request na po 'yan bago niyo 'ko kunin!!

Bumulong itong lalaki sakin "Shhh Tori, ako lang 'to" Humarap ako sakanya at sinapak siya sa balikat

"Bwisit ka Phoenix! Pinakaba mo 'ko akala ko naman kung sino ikaw lang pala!!" Inis kong sigaw at inirapan siya.

Nakakainis! Feel na feel ko yung monolouge a.k.a last words ko eh! Kala ko kukunin na ko ni papa God!

Bigla naman siyang natawa "Sorry na. Gusto lang naman kitang gulatin eh. Para may thrill" Sabi niya sabat kindat

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon