Chapter 29: Stuck with him
Tori's POV
Hay monday nanaman! And I hate hate hate hate mondays! Di ba pwedeng move forward nalang to weekends? Huhuhu author baka naman, char.
It's been a week na rin nung nangyari sakin yung karumaldumal na kamalasan ko. Wala na yung sugat ko sa braso pero paika ika parin ako naglalakad dahil di pa okay tuhod ko.
"Lola halika po tulungan na po kita" tiningnan ko ng masama si Kira, natawa naman ito at nag peace sign.
"Ang bagal mo kaseng maglakad! Hellur baka abutan tayo ng isang taon bago makapasok sa classroom!" Pagreklamo niya at inirapan ko nalang siya, pambihira naman napakaraming reklamo Akira!
"Mauna ka na nga puro ka reklamo! Pupunta lang ako sa clinic para kumuha ng cold compress" sabi ko at iniwan na siya
Napatingin ako sa relo ko. Six minutes nalang ay mag s-start na ang klase at ang mas nakakainis dahil si mrs. Tabada nanaman ang teacher kaya nakakawalang gana. Char
Bahala na kung malate ako. Kahit naman kase di ako late sesermonan niya parin ko eh huhuhu.
Kahit mabagal at paika ika akong maglakad ay nakarating na rin ako kaagad sa clinic at humingi ng cold compress
Lalabas na sana ako sa clinic kaso----
"Wait!"
Napalingon ako para makita kung sinong nagsasalita at pagkakita ko....
Si Lucas???
Ano anong ginagawa niya dito sa clinic? Aish! Ang dami mong tanong Victoria shatap nalang okay?
"Uy hi Lucas" bati ko at ngumiti naman ito sakin.
"Hi Tori! Nasa clinic ka rin pala. Sabay na tayong pumasok sa classroom" kalmado niyang sabi at inaya na ko.
Syempre paika ika ako maglakad kaya medjo natagalan kami. Nakakahiya naman ayoko na madamay siya at baka pagalitan rin siya ni mrs. Tabada dahil late kami huhuhu.
Pagkapasok namin sa classroom
"MISS SALVADOR AND MISTER BAUTISTA BAKIT KAYO LATE?!"
Napatalon ako sa gulat dahil isang malakas at pak na pak na sigaw ni mrs. Tabada ang bumungad samin.
Lihim akong napatingin kay Lucas at nakita ko siyang mukhang chill chill lang.
Huh mukhang wala talagang kinakatakutan ang isang Lucas Bautista noh?? Edi siya na di takot kay mrs. Tabada! Charot
"Ah kase po...." Panimula ko. Di ko talaga alam ang sasabihin ko. Nakakahiya na rin kase nakatingin ang buong klase samin huhuhuhu another kahihiyan moment 101
"Sinamahan ko po si Tori papuntang clinic para po humiram ng cold compress para sa sprain niya" diretsong sagot ni Lucas.
Nakita ko naman biglang napatingin sakin si mrs. Tabada at sinamaan ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...