Chapter 5: What's The Plan?
Tori's POV
Maaga akong nagising kase naeexcite akong pumasok! Hulaan niyo kung bakit! Syempre di ko sasabihin!!!
Joke lang eh ano pa nga ba? Makikita ko ulit si Lucas!! Grabe di parin ako makapaniwala na nag usap kami kahapon!
At wag kayo, inorasan ko yun at halos two hours kaming magkasama! Akala ko never in my life ko siyang makakausap pero sabi nga nila 'love will find a way' chos!
Sana nga nirecord ko pag uusap namin para man lang ginawa kong alarm at ring tone!!
Pero hanggang ngayon at naguguluhan parin ako kung bakit may nakasulat yung pangalan ko 'Fiorel' sa papel na nahulog galing kay Phoenix...
Ako kaya tinutukoy niya? Aish! Tori, maraming Fiorel dito sa mundo! Sigurado ako hindi ako yung tinutukoy niya.
Dahil nga sa sobrang excited kong pumasok ay naunahan ko pa ang tuka--- este ang tilaok nang manok! Kaya napagdesisyonan kong maglakad nalang dahil nasa mood ako maglakad!
Nakangiti parin akong naglalakad papuntang school nang biglang----
"ARAY!"
Waaaahh! Nadapa nanaman ako?!
Aish bwisit! Sino ba yung nakabangga sakin?! Di man lang nag sorry?!Napatingala ako. HALA! Totoo ba tong nakikita ko?
Si Phoenix ang nakabangga ko!! At take note nakangisi pa siya! Huh mukhang sinadya niyang banggain ako ah!
Ano gusto niya, away o gulo?! Pwede rin naman both!
Magsasalita sana ako kaso bigla naman siyang sumabat
"Wag ka nang mag sorry tsss lampa"
Huh ako daw? Lampa?
SINONG LAMPA? AKO?! Huh di niya ata kilala kinakalaban niya!Ako lang naman si Tori Salvador noh!
Pati ano daw sabi niya? Ako mag s-sorry sakanya? Hell no! Bakit naman ako hihingi ng tawad sa isang kutong lupa tulad niya?! He don't deserve a sorry!
Tumayo naman ako para pagpagin ang skirt ko at harapin siya
"F.Y.I wala naman akong balak mag sorry. Dapat nga ikaw ang nag s-sorry kase hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo at nabangga mo ako and another F.Y.I kase di ako lampa at di ako takot sayo!" Matigas kong sabi. Kala niya noh! Hmp
Natawa siya bigla "Wow parang nabalitaan ko lang na sumali ka sa fans club ko tas ngayon sinasagot sagot mo ko?" Nakangisi niyang sabi. Tsss yabang! Feel na feel niya ata na may fans club siyang bulok tsss.
Wow naman huh mukhang alam niya sa lahat ng mga ganap sa fans club niyang panget!! Nakakainis.
Kailan pa siya naging updated sa buhay ko? Ano toh MMK lang?
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...