35

201 94 22
                                    

Chapter 35: Go sexy love!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 35: Go sexy love!

Tori's POV

"Tori yung mga prince charming mo oh!" Sigaw ni Kira sabay turo kina Lucas at Phoenix na naglalakad papalapit samin.... sakin.

Napabuntong hininga ako. Leche tong si Kira! Di talaga niya kayang itikom ang bibig niya??

Nakakainis. Naalala ko tuloy narinig ni Kira yung pag amin ni Phoenix sakin! Nagulat nalang ako nung pagbalik ko sa kwarto ay nakangisi ito sakin!

Akala ko tulog na siya, napaka tsismosa talaga hay ayan tuloy inaasar niya ko!

"Manahimik ka nga dyan" Bulong ko na may halong inis.

Pag siya talaga nagkaroon ng bagong crush, aasarin ko rin siya ng bonggang bongga! At ibubuking ko rin siya!

"Nye nye nye nye wala akong naririnig!" Pagkukunwari ni Kira at napairap nalang ako. Leche. Bahala nga siya!!

Pero nagulat ako nung may binulong si Lucas kay Phoenix at bigla itong tumakbo papuntang basketball court.

Kaya naiwan nalang si Lucas at naglakad ito papalapit sakin habang nakangiti.

"Hi Tori" Bati ni Lucas

"Kira! Halika na wag tayong third wheel sakanila" Pag aya ni Tracey at tiningnan ko siya ng masama. Waaah wag nila akong iwanan dito huhu

Huh third wheel talaga? Umayaw naman si Kira at napanguso.

"Ayoko nga! Gusto ko mapagmasdam lovey dovey moments nila" Kilig niyang sabi at ngumiti ng matamis. Kilig na kilig ka girl.

"Umayos ka Kira! Mag boy hunting nalang tayo gusto mo?" Pag aya ni Tracey at mabilis namang itong tumango at iniwan na kami ni Lucas

Natawa ako. Pag lalaki talaga ang usapan go na go si Kira! Jusko siguro may bagong crush naman 'to. Support ko nalang siya.

"Ah, hi Lucas" Nahihiyang bati ko at nginitian niya ko. Take note ex crush ko parin si Lucas kaya dapat dalagang pilipina parin! Hahahaha charot lang.

"Kamusta ka na?" Tanong niya at napangiwi naman ako. Heto naaawkwardan parin sayo!

Sinusubukan kong dumistansya sakanya pero lapit naman siya ng lapit

Teka di naman sa pabebe ako ah! Ayoko lang gumawa ng gulo. Si Lucas at Phoenix na magpinsan at dream guy ng halos lahat ng babae, may gusto sakin...

Parang ganito lang mga nababasa ko sa wattpad eh. Dalawang lalaki nagkagusto ng isang babae. Hay jusko naiistress na ko gusto ko lang naman ng peace of mind huhu.

Wala. Ang complicated lang...

Nung una si Lucas umamin sakin. Tas last week naman si Phoenix. Hay ang ganda ko talaga hahahaha joke! Dapat humble lang noh! Sabi nga nila 'always keep your feet on the ground' diba?

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon