Chapter 23: Overnight
Tori's POV
Pumunta na kaming dining area at nakahanda doon ang dinner at napanganga nalang ako dahil sa dami ng pagkain na nasa mesa.
Merong roasted beef tas may carbonara tas may fried chicken tas may pizza pa tas omyyyy ang daming pang foods!!
Para akong umattend ng isang birthday party na anak ng senador!!
O di kaya debut ng pinsan ng kapitbahay ng presidente. Aish! Ang dami ko talagang alam hahahaha gusto ko na kumain huhuhu.
Biglang nagsalita si ate Pauline "Uy Tori kumain ka na! Kain ka lang ng marami! For sure napagod ka sa kakaturo kay Phoenix" sabi niya at umupo.
Hehehe kung alam lang niya na di kami nag tutor session ng ipis na 'to dahil marunong pala sa gen math, tamad lang!!
Joke ang sama ko talaga, nakakaguilty kase ang sama masyado ng tingin ko kay Phoenix.
Pero aaminin ko mabait din naman siya... minsan hehehe pero atleast mas nagiging close na kami!
Akalain niyo naman kase may maibubuga pala siya sa gen math? *clap clap clap*
Yung tipo na akala niyo puro cutting lang at madalas tumatambay sa clinic para matulog ay magaling pala academics.
"Tsss really Pauline? Si Tori pinapakain mo pero ako hindi?" Kunyaring pagtampo pa ni Phoenix, hmp! Napaka matampuhin naman neto! Pero madaling suyuin hahahaha.
Pa-cute pa siya dyan, di naman cute!! Or cute pala siya ng super slayt? Joke lang! Di ka marupok Tori, umayos ka!!!
"Silly, kain ka na rin! Alam ko namang napagod kayo sa kakaaral noh" Sabi ni ate Pauline at umupo na si Phoenix sa tapat ko.
Napagod sa kakaaral o sa pag bangayan namin?
Chos yieeepeee sige kakain na ko!
Wala nang hiya hiya, it's now or never noh! Sugod na mga kapatid!!!
Agad na kong umupo sa right side ng long table nila at katabi ko si ate Pauline, sa tapat niya si ate Pearl at sa tapat ko naman si Phoenix.
Napansin ko naman na wala si kuya Paris, nasan kaya siya?
"Hinahanap mo si Paris noh? Wala siya, may date siya" natatawang sabi ni ate pauline at biglang sumabat si Phoenix
"Wow after four years, buti naman nagka jowa na ulit si kuya Paris, kala ko balak na non mag pari eh" side comment pa niya.
Tsss bakit ba siya nakikisabat sa usapan ng may usapan? Ichoserang frogy este ipis siya!
Nagsimula na kaming kumain kaso maya maya lang ay bumuhos ang malakas na ulan, as in sobraaaaang lakas talaga!!
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...