Chapter 28: Watch out
Tori's POV
Papunta palang ako sa gate ng school pero kitang kita ko na na inaabangan ako ng pinsan ko. Huh mukhang namiss niya na ko noh? Hahahaha
"WAAAAAHHHH TORI MY DEAREST COUSIN, IKAW NA BA YAN? KYAAAA" Sigaw ni Kira at agad siyang tumakbo para salubungin ako.
Napairap ako "Hindi siguro, Kira. Impostor lang siguro ako noh" Sarcastic kong sabi at napasimangot nalang siya.
"Kainis ka! Kitang nagtatanong ng maayos eh huhu ang hilig mong barahin ako!" Angal niya at natawa nalang ako sa reaksyon niya.
"Malamang ako 'to!! Hello one and a half week na nga ko absent eh, ano gusto mo i-one month ko?" Tanong ko at napaisip naman siya
"Oo dapat one month ka nag absent. Hello! Nabugbog ka kaya!! Ang sakit kaya non huhu!" Malungkot niyang sabi at napataas nalang kilay ko.
"Masakit mabugbog? Bakit natry mo na ba?" Natatawang tanong ko at umiling naman ito.
"Gusto mo idemo ko sa'yo kung pano nila ako nabugbog?" Biro ko at mas umiling ito.
"Waaaah ayoko nga Tori! Baka maisra beautiful face ko noh!" Reklamo niya at natawa nalang ako.
Sinamahan niya na ko punasok sa loob at tumambay muna kami sa canteen dahil ten minutes pa naman bago magsimula ang klase
"Kamusta ka na pala? Kamusta yung staycation mo sa bahay ni Phoenix? Ano malaki ba bahay nila? Malambot ba ang kama don? Masarap ba ang mga food don???---"
Napailing nalang ako. Yung totoo concern ba siya sakin o yung mansion nina Phoenix??
"Kira pinsan ba talaga kita? Gusto mo kina Phoenix ka na tumira" Sarcastic kong biro sakanya at napatango naman ito
"Huhu yes please Tori dear! Gusto ko tumira don! Parang nararamdaman ko na... na ako ang future wife ni Phoenix my luvs ko!!" Sabi niya at mukhang kilig na kilig ang gaga. Jusme bahala nga siya sa buhay niya!
"So manghuhula ka na ngayon?" Tanong ko at natawa naman siya
"Hellur!! Kulang sentence mo. It should be 'magandang manghuhula'" sabi niya sabay hair flip *insert face palm*
Edi siya na maganda. Sige na siya na. Nahiya naman ako eh charot. Bigla ulit siyang nagsalita.
"Pero legit nga. Anong feeling na makasama mo ang isang Phoenix Sheridan sa bahay nila?" Tanong niya at inaabangan ang sagot ko
Bigla akong napangiti
Parang biglang nagflashback sakin yung mga ginawa sakin nina ate Pearl, ate Pauline at syempre si Phoenix
"Hmmm masaya. Ang approachable ng mga ate niya ang bait bait nila sakin at ramdam na ramdam ko talaga na speacial guess nila ako" sabi ko ay sabay natawa.
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...