Chapter 22: Tutoring the bad boy
Tori's POV
"Tori start na kayo ngayon sa pagtutor mo kay Poenix ah? Ikaw nang bahala sakanya" sabi ni miss math, lihim akong napasimagot
Mukha ba kong may choice? Syempre wala hays. Sana lang talaga ayusin ni master Phoenix kundi babatukan ko siya.
Aish di ko man lang natanong pangalan ni miss!
"Opo miss, ako na pong bahala" nakangiti kong sabi pero plastic yung ngiti na yun kase di ako natutuwa na itutor yung ipis na yon!! Kainis!!!
Naglakad na ko pabalik ng classroom, hay ngayon na nga start ng tutor session namin, kaba at inis ang nararamdaman ko ngayon na may halong excitement! Teka ang dami ko namang nararamdaman.
Subukan niya lang ako bwisitin ipag w-walk out ko siya!
Kala niya ba siya lang may karapatang mag walk out?! Syempre di ako magpapatalo! Ako kaya ang walk out queen, kaya ako lang ang may karapatan na mag walk out!
Sa ganda ko ba namang ito?! Charot lang pero maganda naman talaga ako ah! O, walang aangal!
Pagkapasok ko sa classroom "ang tagal mo naman"
"AY SEAHORSE KA!" Sigaw ko, bigla akong nagulat bwisit! Mang gugulat ba tong si Phoenix huh?! Napaka annoying mo master!
"Bakit kailangan mong mang gulat?! Nananadya ka ba?!" Mahina pero inis kong sabi, kase ba naman!
Nasa tapat siya ng pinto! Pakiramdam ko trip niya talaga kong gulatin eh! Leche! Wala na ba siyang ibang gagawin kundi inisin ako?
"Ang tagal mo kase eh kaya sa pinto na kita inabangan" sabi niya at hinila na ko sa upuan namin.
Napangisi ako. Wow naman mukhang inaabangan ako ni master Phoenix, miss niya na agad ako noh? Grabe pumunta lang naman ako sa faculty hay Phoenix talaga mahal na mahal ako.
"Aray ha kailangan talaga hawakan kamay ko? Chansing ka" Pabiro kong sabi at napatingin siya sakin at ngumisi
"Chansing agad? Eh ikaw bakit ka nag aray hinawakan ko lang kamay mo eh di naman yun masakit. Wag kang oa" natatawang sabi niyang sabi at napasimangot ako.
Ang kapal ng mukha niyang sabihan akong oa! Magugulatin nga kase ako diba kaya literal na normal sakin na maging ganon ang reaksyon ko!
"Hay mga babae nga naman" pahabol pa niya. Aba!!!! Inaano ko ba siya? At bakit nadamay dito ang pagiging babae ko?
"Hoy wag mong dinadamay pagiging babae ko! Kaya ba ganito tingin mo sakin kase babae ako?! Wag mo kaming minamaliit na mga babae!!! Di porket babae kami mahina na kami at pwede niyo na kaming tapak tapakan! Importante kaming mga babae sa mundong ito pati kahit babae kami, kaya naming gawin mga ginagawa niyo lalaki kaya wag mo kaming inaano!! Ikaw kung wala kang sasabihin na maganda pwede manahimik ka nalang? Inaano ka ba namin ha?!" Inis ko sabi sabay irap sakanya.
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...