Chapter 33: Lucas
Tori's POV
"Ako lang naman si Natoy na mahal na mahal ka" Pagdrama ni Kira with matching teary-eyed effects pa.
Napahinga ako nang malalim...
"Kira ano nanaman ba yang kalokohan mo. Tigil tigilan mo na nga yan" Inis kong sabi at paiarap, natawa naman siya.
"Sungit much miss Natori Fiorel! Umagang umaga bad vibes na agad ang dala mo! It's a no no!" Sabi niya at napailing.
Di naman ako bad mood ngayon. Sadyang kulang lang talaga tulog ko dahil late na ko nakatulog kagabi kakaisip kay----
Aish! Di na importante yun!!! Pagpasensyahan niyo na ko, ganito talaga ako pag kulang sa tulog huhu.
"Kulang lang sa----" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang sumabat tong si Kira
"Height?" Sabat niya at tiningnan ko siya nang masama at napasimangot. Ang kapal ng mukha niya huhu!
"Kulang kase sa tulog!" Iritado kong sigaw sabay napatulog sa desk ko at narinig ko naman siyang tumawa.
Nakakairita talaga si Akira! Umagang umaga sinisira niya araw ko!
Pati hello, ang tangkad ko kaya. Mas matangkad pa nga ako kaysa sakanya eh! Hmp.
"Sure ka tulog ang kulang mo at hindi height ah?" Pagsigurado niya. Di ko na siya pinansin kase gusto ko lang talaga matulog
Dapat nga di na ko papasok pero si papa kase pinilit ako!! Sana pala nagkunwari akong nahihilo para di niya ko papasukin. Joke hehehe
"Tori dali samahan mo ko sa cr. Para madaanan natin classroom ni Kyle" Pag aya niya.
Teka sinong Kyle? Ahh yung crush niya na nakababatang kapatid ni Lucas. Tsss harot talaga neto.
"Inaantok ako" Sabi ko at hiniga ang ulo ko sa arm chair ko. Tinatamad rin ako maglakad eh huhu.
"Dali na samahan mo na ko! Para sa kinabukasan ng Pilipinas" Sabi pa nito at nagpacute pa sakin.
Sorry nalang pero di tumatabla sakin yang pa-cute niyang bulok chos.
"Anong kinalaman ng Pilipinas dito? Kailan ka pa naging makabayan ha Akira?" Tanong ko at napasimangot siya.
Ipipikit ko na sana mga mata ko kaso---
"Goodmorming Tori" Napabangon ako nang wala sa oras.
Para bang 'bangkay na bumangon sa kabao' vibes ganern!
Napatingin ako kay---- Phoenix na nakangiti sakin at nilagay na niya mga gamit niya sa ilalim ng desk at umupo na rin
"Sorry naistorbo ko ba tulog mo?" Tanong niya at agad naman akong umiling. Shet ang aga niya naman ngayon? Nabigla ako don ah...
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...