Chapter 9: The bad boy is my partner
Tori's POV
"WAAAHHH TAYA KAAA!!" Sigaw ni Kira. Aish! Taya nanaman ako?
Recess na ngayon at kasi naman kanina pa kami naglalaro ng I wanna be a tutubi eh! Hays no choice, at sinimulan na nila.
"I wanna be a tutubi na walang tinatagong bato sa ilalim ng lupa tinuka ng manok sa ilalim ng buuundoook, aalog alog aalog alog ang itlog! Boom boom boom boom boom!" Okay Fiorel galingan mo para di ka nanaman mataya!
*riiiinnngggg*
Yes! Saved by the bell wahahaha nakatakas ako sa madilim kong kapalaran!
"Woi Natori Fiorel, wag kang ngingiti ngiti dyan itutuloy natin 'to mamaya at taya ka parin" natatawang sabi ni Rianna.
Hmp bahala nga sila! Aish! P.E. class na pala!
Waaahh ayoko talaga ng p.e. dahil tamad akong gumalaw hehe atleast honest!
Syempre charot lang! Hello satingin niyo ba na tamad ang isang Natori Fiorel Salvador? Hell no!!
Kaya ko lang naman ayaw mag P.E kase nga diba may sakit ako sa heart, oh di ako heartbroken ah?
Literal na may sakit ako sa puso. Siguro pamiliar na ang sakit na Coronary heart disease sainyo, isa ito sa mga linaka nakakamatay na sakit, pero chill lang ka'yo. Wag kayong mag alala dahil malakas ako kay papa God, di niya ko kukunin agad hanggang di pa ko nagkaka jowa! Hahahaha char
Parte na ito ng family history namin, kaya di narin nagulat sina mama at papa nung nalaman nila na naiherit ko ang sakit na ito.
Nagkakaroon ng CRD kapag ang arteries sa puso ay hindi nakakapag deliver ng enough oxygen-rich blood sa heart.
Alam kong napakacomplicated. Kaya nga di ako nagstem kase baka mawindang lang ako sa field ng medical. Char.
Pero alam naman ng mga teachers ko na may Coronary Heart Disease ako. Kaya nga nung una wala talaga akong perfoemance tasks sa P.E. eh pero sabi ng doctor pwede na naman daw ako sumama sa performance tasks namin basta may moderation at wag masyado magpagod.
Pumunta kami sa basketball court kase doon kami mag P.E. class. At nandon na pala si sir mukhang iniintay kami.
Ano nanaman kaya tong pakulo ni sir Toling?
"Goodmorning class warm up muna tayo" sabi ni sir.
Luh di ba muna mag p-prayer? Nako kaya walang jowa tong si ser di kase madasin, hehe joke.
At nag warm up na kami, aish tinatamad talaga akong gumalaw----
"TORI GALAW GALAW" Aish special mention nanaman galing kay ser! Sana di na siya magkajowa at sana di masarap ulam niya mamaya!!
BINABASA MO ANG
Stalking The Bad Boy
Teen FictionNatori Fiorel Salvador, also known as the smart good girl and ofcourse the number one hater of the famous campus bad boy, Phoenix Sheridan. But what will happen when fate changes everything and gave her a big time mission, to stalk the the bad boy t...