31

268 122 13
                                    

Chapter 31: Party

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 31: Party

Tori's POV

"Psssst" Aish! Ang ingay naman ni master nakitang nag aaral yung tao eh!

"Psssssssttttttt" Leche mananahimik ba siya o sisipain ko siya palabas ng classroom?!

"Psssssst Tori" Bwisit naman ang ingay niya nakakairita! Lord basasbasan niyo po ako ng pasensya kase nauubos na dahil kay Phoenix Adriane!

Lumingon ako at tiningnan siya nang masama.

"Ano nanaman?!" Iritado kong tanong. Leche nakitang busy ako tas mag iingay pa siya! Ano nananadya lang?

Natawa naman si Phoenix "Chill wag ka nang magalit" sabi niya at napataas naman kilay.

"Sino ba hindi magagalit? Nakita mong nanahimik akong mag aral tas sisrit sirit ka dyan" Reklamo ko. Madali kase akong madistract pag nag aaral kaya ayoko talaga ng maiingay.

"Sorry na, aayain lang kase sana kita bukas" Tuloy niya at napakunot naman ang noo ko.

Aayain? Saan naman?! Puro nalang siya gala nang gala mag-aral kaya siya! Gayahin niya ko hehehe charot.

Magsasalita sana ako kaso bigla namang sumulpot si Kira

"Uyy si Phoenix aayain magdate si Tori!" Asar pa niya at napabuntong hininga nalang ako. Pambihira ka nga naman talaga Akira!

"Kira kung ano-ano pinagsasasabi mo, ang dami mong alam! Chupi ka nga!" Pagtaboy ko sakanya at napasimangot ito at umalis na rin naman kaagad.

Pati hello si Phoenix?! I-ddate ako? Huh isang malaking utot!

Pero bakit ba ako aayain ni Phoenix? Bat hindi si Lucas o kaya si Ace o di kaya si Kuya Monti??

Ay nako onti nalang iisipin ko na crush ako si master Phoenix! Hahahaha lol

"San mo naman ako aayain?" Tanong ko at tinitigan siya ng mabuti with intense look.

"Ikaw ha nagiging bad influence ka na sakin. Palagi mo ko inaayang lumabas maya maya isipin ni papa napapabarkada na ko" Tuloy ko pa at natawa nanaman siya.

"Isang beses palang naman kita inaya ah" Natatawang sabi niya at napairap nalang ako dahil sa hiya at napaisip.

Oo nga noh! Isang beses palang! Aish napahiya tuloy ako don! Bahala na!

"Wag mo nga kong tawanan! San mo ba ako aayain?" Change topic ko.

Malay ko ba kung balak niya kong gawing waitres sa pinupuntahan niyang bar o di kaya gawin nila akong labandera, pero okay rin naman atleast nakaka staycation ulit ko sa bahay nila hahahahha joke.

"Diba nagpasama ako sayo bumili nang regalo nung monday? Gusto sana kitang ayain na samahan ako sa birthday party ng pamangkin ko" Sabi niya at nahiyang ngumiti.

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon