10

476 224 39
                                    

Chapter 10: Water

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 10: Water

Tori's POV

Kakarecess lang namin at dumiretso kami sa health class namin.

Ay jusko di ko alam kung ano nanaman pakulo ni miss pero bahala na!!

Sana lang di mahirap kase nabored talaga ako sa pag meditate namin kahapon!! Diba dapat nakakarelax yun?

Pero di ako narelax!! Inis, pawis, at kagat ng lamok lang ang naabutan ko!

"Tori wala na bang ibibilis pa yang lakad mo? Malalate na tayo oh!" Inis na sabi ni Kira.

"Chill, eto na!!" ewan ko ba dito kay Kira! Di naman kami mamamatay pag nalate kami eh! Pati mas okay na mabagal maglakad kaysa mabilis kase mahirap na baka madapa ako at masira ang aking beautiful face.

"Miss bakit po tayo nandito?" Epal kong tanong, bakit ba masama na ba maging curious?

"Tsss bakit Tori? Ayaw mo?" Sabi ni Courtney aish! Nagtatanong lang namam eh!!

Masama na ba ang magtanong ngayon? Kasama ba yun sa seven deadly sins?! Hmp sunget!

"Alam niyo naman na may inattendad na retreat ang mga janitors natin diba? At meron tayong green clean day ngayon" Tanong ni miss.

Ugh oh don't tell me----

"Kaya gusto ko sana na matry niyo rin na maglinis. Don't worry light works lang ang ipapagawa namin sinyo" hay sana nga light works lang....

"Tori! Alam kong bawal sa'yo ang mabibigat na trabaho. Okay lang na di ka sumama sa green clean day natin ngayon." Pag announce ni miss at nagsimulang magbulung bulungan ang mga kaklase ko na ang daya ko daw.

Teka nga. Ginusto ko ba magkaroon ng sakit sa puso? Sila kaya sa situwasyon ko?!

Napabuntong hininga ako "Miss okay lang po, gusto ko po sumama pati light works lang naman po gagawin namin eh. Para fair po" Sabi ko at napangiti si miss.

"Okay I respect your decision Tori, pero kung may natamdaman kang hindi maganda tumigil ka na sa paglinis at dumiretso ka na sa clinic." Sabi ni miss at napatango nalang ako.

Hay wow being a janitress for a day1O1
At grinupo na kami ni miss.

Di ko pa nakikita mga groupmembers ko asan ba sila??!! "Group 2!!" Ayun group 2! Dali dali akong pumunta don at-------

NANDON NANAMAN SI PHOENIX?!

Aish bakit ba lagi kaming magkagroup o di kaya magkasama ng ipis na 'to?!
Wag ka mastress Fiorel, masisira lang beauty mo!! Woh! Kalma!

Basta wag kang magpapaapekto sa mga asar ni Phoenix and be patient lang... matagal ko na siya gustong sapakin pero kalma lang okay Fiorel? Okay...

"Hi, group 2 ba 'to?" Teka.... napalingon
ako, WAAAAHHH SI LUCAS KAGRUPO KO KYAAA!!

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon