16

428 193 21
                                    

Chapter 16: Mad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 16: Mad

Tori's POV

Ang sayaaaaaaa!! Di parin ako makapaniwalang kami ang highest sa dance pop performance namin!

Tas pinuri pa ko ni sir!!

Waaahh super unexpected pero masaya akong nangyari lahat ng ito!!

Nandito ako sa covered court dahil wala akong magawa. Di naman siguro cutting ito noh??

Wala kase kaming teacher, kaya piesta nanaman ang buong klase hahahaha

Ngayon ko lang napansin na wala si Phoenix, nasan na kaya yung mokong na yun??

Hep hep hep!! Di ko siya namimiss or what!! May gusto lang sana ako itanong sakanya tungkol sa kontrata pero mukhang wala siya.

Aalis na sana ako kaso nakita ko sina kuya Monti at Ace na naglalakad papasok ng basketball court.

Agad ko silang nilapitan "Pssst!! Kuya Monti!" Mahina kong sigaw at napalingon sila

"Uyyy hello Phoenix's girl!" Asar ni Ace. Luh ano daw?? Phoenix's girl?? Anong kababalaghan yan?? Nasanay ata ako sa pagtawag niya sakin na 'hey there couz' hahaha.

Tiningnan ko siya ng masama "Baliw puro ka talaga kalokohan" Inis kong sabi at gunulo niya lang buhok ko.

"Lagi mong kasama si Phoenix eh. Lagi ka rin niya nababanggit samin, teka kayo na ba? Hmmmm" Tuloy ni Ace at mukhang kinikilig.

Huh lagi ako nababanggit ni Phoenix sa mga kaibigan niya? It's that a good thing or a bad thing??

Maya maya kase sinisira niya na pala reputasyon ko sakanila! Pero wag tayo mangjudge, di ko naman alam ang buing kwento eh.

"Walang namamagitan samin!! Frienemies lang kami at hanggang dun lang yun!" Segurista kong sabi at ngumisi lang si Ace

"Yow insan what brought you here?" Tanong ni kuya Monti habang inaayos ang mga bola, mukhang maglalaro sila ah.

"Ah tanong ko lang, nakita niyo ba si Phoenix? Para kaseng absent siya eh" Sabi ko at ngumiti ng nakakaloko si kuya Monti

"H-hoy! Wag ka nga mag isip ng kung ano-ano dyan!! May itatanong kase ako sakanya... kaso mukhang wala nga siya kaya bye aalis na ko" Paalam ko at lumabas na ng court.

Hay nasan kaya si Phoenix??

***
At dahil maaga kaming pinadismissed ni sir at may twenty minutes pa naman ako bago mag next subject, naisip kong puntahan si principal para humingi ng sorry dahil di ako nakaattend ng meeting.

Kaya naman naglakad na ko papuntang principal's office at nakasalubong ko si Lucas na parang wala ata sa mood, galit parin ba siya sakin?

"Lucas!"

Kinawayan ko siya kaso iniwasan niya ko. Hay galit parin siya! Huhu galit parin Lucas sakin.

Tumingin muna ko sa paligid kung may nakatangin ba o wala, dapat akong mag ingat, nung wala namang tao sa paligid at pumasok na ko sa office ni principal

Stalking The Bad Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon