Chapter 1: Knoxx

5.5K 206 2
                                    

Knoxx

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko nang maramdaman kong nakatapat sa muka ko ang nakakasilaw na sikat ng araw. Ang bigat ng pakiramdam ko at ramdam na ramdam ko ang lamig ng katawan ko kahit na nababalot na ako ng makapal na kumot.

"Young miss Alissa?" Napatingin ako sa pamilyar na babaeng tumawag sa akin.

She's Lina, my personal maid. "Hmm?"

Halos luha luhang napatingin sa akin si Lina bago ngumiti at nagsalita. "You're finally awake"

Dahan dahan akong bumangon at kasabay non ay may biglang nahulog na tuwalya mula sa nuo ko. Napatingin ako doon sa tuwalya bago nagtatakang napatingin kay Lina.

"Mataas ang lagnat niyo Young Miss Alissa, kaya kinailangan kong lagyan ng basang tuwalya ang noo niyo nitong mga nakaraang araw" napatingin ako kay Lina.

"Mga nakaraan araw?" Gaano katagal ba akong tulog?

"Nawalan kayo ng malay pagkatapos lumuhod sa harap ng palasyo sa loob ng dalawang araw. Mataas ang lagnat niyo at wala kayo sa tamang huwisyo nitong nakalipas na tatlong araw"

Unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari. Naalala ko ang ginawa kong pagluhod sa harapan ng palasyo at ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon.

"S-si papa, what happened while i was asleep?" Napansin kong biglang lumungkot ang mga mata ni Lina dahil sa tanong ko.

"Sad to say young miss, pero tuloy ang pagbibitay kay General Knoxx. May mga nag testimonya at nagbigay ng pruweba na may balak ngang mag-alsa si General Knoxx laban sa royal family"

"That's bullshit! Father would never do such thing. Obvious naman na fini-frame up lang nila si papa dahil gusto nilang mapatalsik si papa sa puwesto" napahawak ako ng mahigpit sa kumot ko.

My father, General Knoxx. Is one of the greatest general of all time. He never lose a war against the enemies of our nation at lagi niyang inuuna ang kapakanan ng mga taong naninirahan dito sa kaharian ng Bauxacel kaya naman malaki ang respeto ng mga mamamayan sa pamilya namin. Pero lahat ng mga karangalan at tagumpay na iyon ay nagdudulot ng inggit sa ibang mga noble families.

"Wala manlang tumulong at nagsabi ng totoo?" Tanong ko kay Lina.

Madaming mga naging kaibigan ang pamilya namin sa mga nakalipas na panahon. Malaki ang impluwensya ng apelyidong Knoxx lalong lalo na sa kapangyarihang militar dahil nga sa lahi kami ng mga heneral.

"Marami ang may gustong tumulong kay heneral knoxx, Young miss. Pero mahirap kalabanin ang Royal family" saad ni Lina na siyang nagpalaki sa mga mata ko.

"Royal family? Sila ang may gawa ng lahat ng ito?" Tanong ko sa kanya.

Bigla kong naalala ang mga huling salita ni Luke. 'Stop it already, wala ka nang magagawa'

Isa din ba si Luke sa may kagagawan ng lahat ng ito?

"Walang nakaka-alam young miss, Pero malaki ang kutob ko na natatakot ang hari dahil sa laki ng impluwensya ng pamilyang Knoxx at natatakot siya na anumang oras ay pwedeng maagaw sa kaniya ang trono kaya malaki ang posibilidad na siya ang may pakana ng lahat ng ito"

Bigla akong natawa sa loob-loob ko. To think na dalawang araw akong lumuhod sa tapat ng palasyo para magmakaawa sa hari na tulungan ang tatay ko pero siya din naman pala ang may pakana ng lahat. How cruel. Ang hari at ang anak niyang si Luke ay hindi karapatdapat na mamuno sa masaganang kaharian na ito.

"ALISSA!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni mama mula sa may pinto.

"Ma" nginitian ko siya.

Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit pero bigla akong nagulat nang imbes na matuwa dahil gising na ako ay biglang humagulgol ng iyak si mama.

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at tinignan siya sa mata na ngayon ay namumula at namamaga na at sigurado ako na kanina pa siya umiiyak.

"What's wrong?" Tanong ko sakanya.

Napailing-iling si mama bago nginitian ako ng malungkot. "Yung papa mo alissa, today is his execution"

Bigla akong naestatwa at pilit na inintindi ang sinabi ni mama. tumayo ako at dirediretsong naglakad palabas ng kuwarto nang bigla akong pigilan ni mama.

Pilit kong hinila yung braso ko na hawak hawak niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. "Bitiwan mo 'ko ma, I'll go save father myself"

"Wala kanang magagawa Alissa, this is the decision of the king himself" sabi ni mama.

Nakagat ko ang pangibaba kong labi. Tama nga si Lina, lahat ng ito ay kagagawan ng hari, at hindi na ako magtataka kung kasabwat din niya si Luke na tumangging tulungan ako.

"Then I'll just kill him" saad ko kahit na alam ko sa sarili ko na mahina lang ang kakayahan ko at wala akong kalaban laban sa libo libong guwardiya na nagpoprotekta sa royal family.

"Alissa" hinila ako ni mama at hinawakan sa magkabilang braso. "Promise me you won't do anything stupid"

Hindi ako umimik, hindi ko mapapangako sa kaniya na wala akong gagawin at papanuorin lang na patayin nila si papa na wala namang ginawang masama.

"Alissa" tawag ulit ni mama. "Please, pag nangealam kapa maaring pati ikaw ay mawala sakin"

Napadiin ang kagat ko sa labi bago ako unti unting tumingin lumingon kay mama. "Promise me, wala kang gagawin"

"I can't just let him die" sabi ko. Namumuo na ang mga luha ko.

"me neither, but we can't do anything now. It's too late" Niyakap ako ng mahigpit ni mama. "Kahit yung mga kaibigan ng papa mong mga matataas ang pusisyon ay walang nagawa... So please Alissa, I don't want to lose you too"

Sinubsob ko ang muka ko sa dibdib ni mama at napatango-tango. I won't do anything... for now.

"The execution will happen in two hours sa gitna ng plaza..." Napakuyom ang kamay ko nang marinig ko kung saan gaganapin ang pagbitay. Sa Plaza De Rinos madalas isinasagawa ang pagbitay sa mga naakusahan ng pag tataksil kung saan pwedeng mapanuod ng buong bayan ang nasabing pagbibitay.

"I'll go" sabi ko bago humiwalay kay mama. Gusto kong makit ng personal ang mga pangyayari. Gusto kong makita kung sino sino yung mga taong may lakas ng loob na panuoring pugutan si papa nang hindi manlang nakakaramdam ng konsensya.

Napabuntong hininga si mama. "Alright, pero hindi kita masasamahan. Hindi ko kayang makita ang mga pangyayari"

Tumango ako sa kaniya bago pumasok sa cr para maligo at mag bihis. Pagkalabas ko ay nakita kong nasa kuwarto ko padin si mama na tulala habang nakaupo sa may kama ko.

Lumapit ako kay mama at nagpaalam bago siya niyakap ng mahigpit. At wala akong kaalam-alam, na iyon na ang huli naming pagkikita.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon