Chapter 47: Grand Welcome

1.5K 81 0
                                    

Grand Welcome

"So what's the plan?" pagbabasag ni Trevas sa katahimikang bumabalot sa loob ng karwahe. Halos apat na oras na kaming naglalakbay pero mukhang malayo-layo pa ang Bauxacel dahil puro bundok at gubat lang ang nakikita ko sa paligid.

"Meron ka na bang plano kung anong gagawin mo pagdating natin sa Bauxacel?" pagpapatuloy ni Trevas.

"Plano kong linisin muna ang apelyidong Knoxx bago ko ilalabas lahat ng baho ng royal family"

"And how exactly are you going to do that?"

"Secret"

"What?" biglang napalingon sa akin si Trevas na kanina pa nakadungaw sa bintana ng karwahe. "Secret?"

Nginitian ko lang siya. Alam kong pag sinabi ko sa kaniya ang binabalak ko ay hindi niya ako papayagan.

Bumuka ang bibig ni Trevas at magsasalita pa sana pero inunahan na siya ni Lina na kanina pa walang imik.

"Ako lang ba yung nagtataka kung bakit bigla kang gustong makita ni king Hermes?" Hermes ang pangalan ng hari ng Bauxacel.

"Hindi ba inakala ng lahat ng mga taga Bauxacel na patay kana? Baka ngayon lang nalaman ng haring iyon na buhay kapa." sabi ni Trevas, nakalimutan na yung pinag-uusapan namin kanina.

"I doubt that" sabi ko. "Imposibleng hindi ipinaalam ni Luke sa tatay niya ang tungkol sa akin pagkabalik na pagkabalik niya sa Bauxacel ilang buwan na ang nakakaraan."

"Then bakit ngayon lang siya kumilos para mapabalik ka sa Bauxacel?" Napakibit balikat ako.

"Siguro kasi ngayong may Threekingdom alliance ceremony na gaganapin lang siya nagkaroon ng rason para mapabalik ka sa Bauxacel." sabi ni Trevas kaya naman napatango-tango ako. Pwedeng iyon nga ang dahilan, pero ayon sa pagkakakilala ko sa lahi ni Luke, sila yung tipo ng taong ipapakidnap ako kung gusto talaga nila akong pabalikin sa Bauxacel at hindi na sila maghihintay pa ng magandang irarason doon tulad ng sinabi ni Trevas.

"Speaking of which, hindi mo pa ineexplain sa amin kung ano ang meron sa threekingdom alliance ceremony na yan" sabi ni Lina.

Ang threekingdom alliance ceremony ay isinasagawa sa tuwing may tatlo o higit pang kaharian ang nakapagkasundong makipag-alyansa sa isa't-isa pero mapapagtibay lang ang alyansang iyon once na natapos na ang mismong seremonya na inaabot ng isang linggo.

Sa unang araw ng isang linggong iyon ay ang siyang pagdating ng mga representative na nagmula sa iba pang kaharian sa napagkasunduang venue ng ceremony. In our case, napagkasunduang isasagawa ang ceremony sa Bauxacel.

Sa ikalawa at ikatlong araw naman ng isang linggo ay palugit para makapagpahinga ang mga representative na nagmula pa sa malalayong lulgar pero pagsapit ng ika apat na araw ay ang simula na ng mismong seremonya. Magkakaroon ng mga grand balls at parties sa palasyo ng Bauxacel na siyang magtatagal hanggang sa ika pitong araw ng linggo.

Sa kagabihan ng ika pitong araw ay ang siyang pagsasagawa ng isang ritwal sa pagitan ng tatlong kaharian. Para ding isang Infragilis Vow ang isasagawang ritwal na iyon pero ang pinagkaiba lang ay para ito sa tatlong tao at ang nakasalalay dito ay hindi lang ang buhay ng tatlong taong iyon kundi buhay ng isang buong kaharian.

"Ah, Finally!" pag-iinat ni Lina pagkababang-pagkababa niya ng karwahe. Nandito na kami ngayon sa tapat ng malaki at mataas na gate ng borders ng Bauxacel. Nakabukas ang gate na ito at may mga royal soldiers na nakahilera doon na para bang hinihintay talaga ang pagdating namin.

"We, people of the Bauxacel welcome you crown prince Trevas, Princess Lina, Princess Alissa of the first rank" sabay na sabay na bati noong mga naka hilerang royal soldiers bago yumuko bilang paggalang. Nagulat ako noong una dahil hindi ako sanay na tinatawag na princess at binabati ng ganito pero hindi ko iyon pinahalata sa mukha ko at nanatili lang na kalmado.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon