Chapter 45: New Year

1.8K 80 11
                                    

New year

Nakadungaw ako ngayon sa may balkonahe sa labas ng main building at tinatanaw ang malawak na courtyard.

"Hindi ka pa matutulog?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at doon ko nakita si Lina na pababa ng hagdan at suot-suot na niya ang pantulog niya.

"I can't sleep"

"Wag ako, alam ko hinihintay mo si Trevas" sabi niya bago naglakad papunta sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso.

Hindi na ako nagsalita at ibinalik nalang ulit ang tingin sa labas ng courtyard. Ilang oras na ang nakakalipas mula noong umalis siya para sundan si Alastor pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik.

"Stop worrying about him, matulog kana" sabi ni Lina bago ko narinig ang yabag ng mga paa niya paakyat ng second floor.

Nagkibit-balikat lang ako bago ibinalik ang tingin sa labas at hindi rin nagtagal ay nakita kong biglang sumulpot si Trevas doon sa may poste di kalayuan sa kinatatayuan ko. Napahinga ako ng maluwag nang makitang mukha naman siyang walang sugat pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang matalisod at muntik pang madapa. Napakunot ang nuo ko at naglakad papalapit sa kaniya. Nakakapagtaka lang na ang isang level 7 dark user na si Trevas ay basta-basta nalang matatalisod sa isang maliit na bato.

Mukhang narinig ni Trevas ang mga hakbang ko kaya naman napatingala siya sa'kin. Ilang segundo siyang natahimik at mukhang inaaninag kung sino ako dahil madilim sa kinatatayuan namin ngayon.

Nang makalapit na ako sa kaniya ay tyaka lang siya napangiti.

"Baby..." tawag niya bago kumaway-kaway pa na parang sira.

Gusto kong mapangiti sa tinawag niya sakin pero biglang nanigas ang mga panga ko nang makita ang bote na nasa kamay niya.

"Are you drunk?" tanong ko, hindi pa rin inaalis ang tingin doon sa hawak niya bote.

Imbes na sumagot ay binitawan niya yung boteng hawak-hawak niya kaya naman lumikha iyon ng ingay nang tumama sa sahig. Naglakad papalapit sa akin si Trevas bago ako hinawakan sa baba para marahang hinarap sa kaniya. Amoy na amoy ko ang alak mula sa bibig niya na ilang dangkal lang ang layo mula sa akin.

"What happened?" tanong ko pero imbes na sumagot ay ngumiti lang siya bago hinawi ang buhok ko papunta sa tenga ko at kasabay noon ay bigla kong naramdaman ang paglamon sa amin ng kadiliman at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng isang kwarto.

Padapang bumagsak si Trevas doon sa kama kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan kung nasaan kami.

"Are we on your room?" tanong ko bago napatingin sa malinis at malawak na kwarto. Kakaunti lang ang gamit dito, isang malaking kama na hinihigaan ni Trevas, Isang office table at swivel chair kung saan maraming papeles ang nakapatong at may isang cabinet at dalawang nighstand sa tabi ng kama.

Napalingon sa akin si Trevas pero dahil nakadapa siya ay kailangan niyang itukod ang siko niya sa kama para lingunin ako at pakurap-kurap akong tinignan.

"Why are you here?"

Napakunot ang nuo ko at hinintay na tumawa siya at sabihing nagbibiro lang siya pero makalipas ng ilang segundo ay tinitigan niya lang ako. "You brought me here..."

"I did?" tanong niya at tumango naman ako. Seryoso ba siyang nakalimutan niya?

"Seriously, bakit ka nagpakalasing?"

Natahimik siya sandali bago ako inabot sa kamay kaya naman humakbang ako palapit sa kaniya at umupo sa kama pero hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap sa likod. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya mula sa likuran ko lalo na nang ipatong niya sa may leeg ko ang baba niya na siya namang lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko bago siya napabuntong hininga.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon