Chapter 56: Conflict

1.4K 69 1
                                    

Conflict
Unedited

​“It’s been a while Anna” sabi ni Psyche pero hindi parin inaalis sa akin ni mama ang tingin niya.
 
“You’re Anna?” tanong ko sa kaniya kahit na alam ko na ang sagot.
 
“I will explain everything to you later, Alissa” bahagya akong nginitian ni Mama bago niya ibinaling ang atensyon kay Psyche.
 
Sobrang daming tanong sa isip ko at halo halong emosyon ang nararamdaman ko pero alam kong hindi ito ang oras para makipagusap kaya hindi na ako nagsalita.
 
“Leave for now, bring trevas with you” sabi ni mama bago siya biglang nagbagong anyo at for the first time, nasaksihan ko ang pagbabagong anyo ng isang ice user.
 
Nagkaroon siya ng magagandang transparent na mga pakpak na parang nagliliwanag pero ang pinaka kapansin pansin ay ang pagkakaiba ng kulay ng mga pakpak niya. Sa kanan ang kulay violet at sa kaliwa naman ay kulay bright blue pero imbes na mag mukang ‘weird’ ay mas nagmuka itong magical.
 
Kung si Psyche ay napapalibutan ng itim na mahika, si mama naman ay napapalibutan ng kulay violet at kulay blue.
 
(Picture ng transformation ni anna sa baba)
 
“Go! Alissa!” sigaw ni mama, hindi tumitingin sa direksyon ko bago siya biglang nagteleport sa may likuran ni Psyche at inatake ito mula doon pero bago pa dumampi kay Psyche ang atake ni mama ay biglang sumulpot ang isang malaking itim nilalang sa pagitan nila kaya napaatras si mama.
 
Masyadong nakatuon ang atensyon ko sa paglalaban ni Psyche at ni mama at dahil narin sa hindi parin ako makapaniwala na buhay si mama ay hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Trevas.
 
“Let’s go” Sabi niya sa akin bago ako inalalayang tumayo. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari sa laban nila Psyche at mama dahil dinala na ako ni Trevas papunta sa may entance ng Plaza at sumunod din naman sa amin si Lina.
 
“I can’t teleport the both of you, I’ve used too much magic” hingal na sabi ni Trevas pero hindi parin niya ako binibitawan at inaalalayan paring tumayo.
 
Hindi ko alam kung bakit pero parang nanghihina ang katawan ko at parang wala akong lakas kahit na hindi naman ako masyadong gumamit ng mahika kanina kumpara kay Trevas. Nagisip ako ng malalim kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero bago pa masagot ang mga katanungan ko ay sabay sabay kaming napatigil sa paglalakad nila Trevas at Lina dahil sa isang babaeng nakaharang sa may entrance ng Plaza.
 
“Lady Mara” Nakatayo lang siya sa gitna ng dadaanan namin at walang imik na nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero malaki ang kutob kong hindi namin kakampi si Lady Mara.
 
Hindi ko alam kung ano ang kapangyarihan ni Lady Mara dahil hindi ko pa naman siya nakikitang nakikipaglaban. Gayunpaman, hinanda ko ang sarili ko para makipaglaban sa kaniya pero laking gulat ko nang walang mahika ang lumabas sa kamay ko.
 
Napatitig ako sa mga kamay ko at sinubukang magpalabas ng mahikang yelo pero kahit anong pilit ko ay walang lumalabas. Sinubukan ko ding magpalabas ng bulaklak pero walang nangyari, ang tanging gumana lang sa mga kapangyarihan ko ay ang kapangyarihan kong tubig.
 
Napakunot ang nuo ko pero bago kopa maunawaan ang nangyayari ay nakarinig kami ng kalabog at napalingon kaming lahat sa direksyon nina mama at Psyche na hanggang ngayon ay naglalaban parin.
 
Dumausdos si mama sa sahig at nakaladkad papunta sa direksyon namin. Napaangil siya sa sakit na naramdaman niya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na lumapit sa kaniya. Bumalik na sa dating anyo si mama at wala na ang mga pakpak niya.
 
“Ma-”
 
“What are you doing here? Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yong tumakas kana?” sabi niya pagkakitang pagkakita niya sa akin.
 
“You’re stupid to think na hahayaan kong makatakas ang sino man sa inyo” rinig kong sabi ni Psyche ilang metro ang layo mula sa amin.
 
Lumuhod ako sa tabi ni mama at napansin kong lumapit din sa amin sina Trevas at Lina. Nasa likuran namin yung entrance ng Plaza kung saan nakatayo parin si Lady Mara at sa harapan naman namin ay naglalakad papalapit si Psyche.
 
Napabaling ang tingin ko kay Mama at doon ko lang napansin na parang may kakaiba sa kaniya. Transparent ang balat niya na para bang isa siyang multo o kaya ay espirito na walang pisikal na katawan.
 
“Ngayon ko lang nalaman na nagka anak ka pala habang wala ako” nakangising saad ni Psyche bago nilipat lipat ang tingin sa amin ni mama.
 
“Not only did you pretend to be a mortal named Diana, you also had a child with a mortal?” sabi ni Psyche, may halong pandidiri ang boses niya. “How pathetic, What’s so good about that mortal Alen Knoxx?”
 
“You call me pathetic?” Biglang natawa si Mama bago dahang dahang tumayo. “Atleast I’m not like you na nabubuhay sa inggit at galit dahil hindi ikaw ang minahal ng lalaking gusto mo”
 
“Shut up!” Galit na sigaw ni Psyche bago siya nagpakawala ng itim na mahika sa direksyon namin. Biglang humarang si Trevas sa harapan namin at lumikha ng itim na magic circle sa harapan namin bilang shield kaya naman hindi kami natamaan. Gayunpaman ay biglang napaluhod si Trevas sa sahig at hingal na napatingin sa direksyon ni Psyche.
 
“Where’s Laramie?” tanong ni Psyche. Nanggagalaiti ang mga ngipin niya at puno ng galit ang mga mata.
 
Laramie? The goddess of tears? Anong kinalaman niya kay Psyche at kay mama?
 
“Sa tingin mo sasabihin ko sayo ng ganon ganon lang?”
 
Hindi umimik si Psyche at tinitigan lang si mama. Akala ko ay aatake uli siya pero laking gulat ko nang marinig ko ang sunod na sinabi niya.
 
“Luke, bring him here” Pagkasabing pagkasabi non ni Psyche ay biglang kumidlat ilang metro mula sa kinatatayuan ni Psyche at doon biglang sumulpot si Luke na hawak hawak sa kuwelyo ang tatay niyang hari na kanina pa tinangay paalis ng mga royal guards.
 
Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang biglang ihagis ni Luke sa sahig ang tatay niya. Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko akalaing kayang gawin ni Luke ang lahat ng ito.
 
Bigla kong naalala yung araw na una kong nakita si Psyche sa shopping district noong unang araw namin dito sa Bauxacel. Kasama ni Luke sina Lady Mara at Psyche ng araw na iyon kaya hindi na ako magtataka kung kasabwat din nila si Luke sa lahat ng plano nila.
 
“Luke-” Napalingon ako kay mama at napansin kong biglang napakuyom ang kamao niya at masamang napatingin sa direksyon ni Luke.
 
“why did you bring your father here? Didn’t I told you to kill him already?” tanong ni Psyche ng makita si haring hermes na ngayon ay nakahandusay sa sahig at walang malay.
 
“What for? He’s already dying” walang emosyong sabi ni Luke na para bang hindi niya kadugo yung lalaking nakahandusay sa sahig. Walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa tatay niya tulad ng pagtingin niya sa akin noong ako ang humihingi ng tulong sa kaniya.
 
Pinanliitan ni Psyche ng mga mata si Luke pero nagkibit balikat lang siya at ibinaling ang tingin sa amin. “Now’s your time to prove your loyalty to me”
 
Tinuro ni Psyche ang hintuturo niya sa direksyon namin bago biglang napangisi. “Kill them for me”
 
“All of them?” tanong ni Luke, wala paring makitang emosyon sa muka niya.
 
“All of them” tumango si Psyche kay Luke bago umatras ng ilang hakbang na para bang binibigay niya ang entablado dito.
 
“Fine” matipid na sabi ni Luke bago iniunat ang kamay sa direksyon namin at mula doon sa palad niya ay may lumabas na liwanag at bigla akong kinabahan.
 
“Hold on to me” sabi ni mama kaya naman napabaling ang atensyon naming lahat sa kaniya.
 
“Hold on to me! Quick!” sigaw niya kaya naman dali dali akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso at ganon din ang ginawa ni Trevas at Lina.
 
Napalingon ako sa direksyon ni Luke at halos masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa palad niya.
 
Kumawala mula sa mga palad ni Luke ang isang wave ng liwanag na alam kong maaring tumapos sa buhay naming lahat na matatamaan non kaya naman bigla akong napapikit at hinanda ang sarili sa anumang pwedeng mangyari.
 
“Now!” Pagkasigaw na pagkasigaw non ni mama ay nakaramdam ako bigla ng matinding kapangyarihan na dumaloy mula sa kamay kong nakahawak sa braso ni Mama pero bigla din iyong naglaho na parang guniguni ko lang ang lahat.
 
Nanatili akong napapikit at hinintay ang katapusan namin pero ilang segundo ang lumipas ay nanatiling tahimik ang paligi at wala akong ibang naramdaman kundi ang isang malakas na simoy ng hangin.
 
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at laking gulat ko nang makitang wala na kami sa Plaza kundi nasa isang malaking lupain na may nagtataasang mga damo.
 
“Where are we?” rinig kong tanong ni Lina na nasa likuran ko pero bago pa may makasagot sa tanong niya ay biglang natumba si mama na hanggang ngayon ay hawak hawak ko sa braso.
 
“Ma!” sigaw ko bago ko chineck ang pulso niya. Laking pasasalamat ko naman nang maramdamn ang mahinang pagtibok ng ugat niya sa kaliwang kamay.
 
“She probably drained her powers out nang tineleport niya tayong tatlo ng sabay sabay” sabi ni Trevas.
 
Napatango ako, Naranasan ko nang magteleport at alam ko kung gaano kalaking porsyento ng kapangyarihan ang nagagamit non lalo na kung higit sa dalawa ang kasama mong magteteleport.
 
Napabuntong hininga ako bago napatitig sa maamong muka ni mama. Hindi ko mapigilang mapaisip ng malalim sa lahat ng natuklasan ko ngayon araw.
 
Una, sina minister haviour at minister Laxxon ang nag frame-up dati kay papa pero ang pinaka mastermind ng lahat ay si Psyche na hindi ko parin alam kung ano ang motibo.
 
Napalingon ako kay mama na walang malay na nakahiga sa sahig sa tabi ko. Isa pang nalaman ko ay buhay si mama at siya si anna na ilang buwan ko ring nakasama pero hindi manlang ako kinutuban na siya si mama.
 
Ngayong napaisip ako tungkol doon, iba ang boses ni Anna noong nakakausap ko siya gamit ang isip ko kumpara sa totoong boses ni mama at kung sakali mang siya talaga si mama, bakit naman niya itatago ang totoo?
 
Isa pa ay ang tungkol kay Luke. Sinabi na niya sa akin noon na may kinalaman nga siya at ang tatay niya sa pag frame up kay papa at ibig sabihin lang noon ay may koneksyon din siya kay Psyche pero hindi parin ako makapaniwala na magagawa ni Luke iyon.
 
Minsan kong naging kaibigan si Luke at nakasama ko siya ng matagal na panahon kaya hindi ko lubos maisip na ang Luke na kaibigan ko noon ang Luke na nakita kong pinanood lang na unti unting mamatay ang tatay niya kanina.
 
Napahinga ako ng malalim. Wala na akong nararamdaman para kay Luke. Ang Infatuation na naramdaman ko sa kaniya noon ay tuluyan nang naglaho mula noong huli naming pagkikita sa Beifang pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na madismaya at manghinayang sa pagkakaibigan na meron kami dati ni Luke. I actually hoped na maayos pa ang pagkakaibigan namin pero dahil sa nalaman ko ay mukang malabo nang mangyari yon.
 
“Alissa” Nabalik sa kasalukuyan ang atensyon ko nang marinig ko ang boses ni Lina. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nakatayo na at palingon lingon sa paligid.
 
Tumayo ako at pinagpagan ang hanggang ngayon ay suot suot ko paring evening gown bago lumapit sa tabi ni Lina.
 
“What is it?” tanong ko sa kaniya pero imbes na sumagot ay tunuro niya yung kamay niya sa malaking gusali na nasa harapan namin.
 
Nanigas ako sa pwesto ko at nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig doon sa malaking gusali na sira sira na at sunog na ang kalahating bahagi.
 
Nandito kami ngayon sa Knoxx manor. Ang dati’y tinuring kong tahanan.

Author's note

1. Diana / Anna's transformation

 Diana / Anna's transformation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon