Chapter 34: Journey to Jeufeng

1.7K 78 0
                                    

Journey to Jeufeng

Lumipas na ang dalawang araw pero wala pa ring natatagpuang frozen chrysanthemum at nabalitaan ko pa nga na merong mga namatay na tauhan ng hari dahil nagkaroon ng snow storm habang umaakyat sila sa bundok ng Jeufeng na isa sa pinakamataas na bundok sa mundo. Sa kabilang banda naman ay lalong lumalala ang kalagayan ni Trevas.

Nakasubsob ang mukha ko sa may kama ni Trevas habang mahigpit akong nakakapit sa kamay niya. Sobrang init ng kamay niya at bumalik na sa pagkaputla ang mukha niya at lalo akong nakaramdam ng takot nang mapansin ko ang pagpayat niya nitong nakalipas na dalawang araw.

"Alissa" napalingon ako kay Lina na kakapasok pa lang sa kwarto. Sinara niya yung pinto bago tumabi sa akin.

"You should rest... Araw-gabi ka na nandito, natutulog ka pa ba?" Tanong niya.

Napasandal ako sa inuupuan ko at ngayon ko lang narealize na hindi pa pala ako natutulog nitong mga nakalipas na araw dahil binabantayan ko si Trevas. Kailangan kasi na minu-minuto ay pinupunasan siya ng malamig ng tubig para mas mapabagal yung pagkalat ng lason sa katawan niya.

"I can't sleep" sabi ko sa garalgal na boses.

"Kumakain ka pa ba?"

Tumango ako, kumakain pa rin naman ako. Minsan lang ay wala talaga akong gana kaya kaunti lang ang kinakain ko.

"Why are you doing this?" Nag-aalalang tanong ni Lina bago humawak sa braso ko.

I don't know either...

Lumipas na naman ang dalawang araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan yung frozen chrysanthemum at palala na nang palala ang kalagayan ni Trevas.

Sobrang init na ng katawan niya at halos mapaso na ako sa tuwing hinahawakan ko ang kamay niya at sobrang putla na ng kulay niya.

Agad na sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko siyang ganiyan.

"What will happen if we couldn't find the flower in a few days?" Tanong ko sa royal Alchemist nang pumasok siya sa kwarto para i-check ang kalagayan ni Trevas.

Lumapit siya kay Trevas bago hinawakan sa ay dibdib at pinakiramdaman ang bawat pagtibok ng puso niya bago lumingon sa akin at umiling-iling.

"We just have to pray na malabanan niya ang lason sa katawan niya nang mag-isa" pagbuntong-hiningang saad nito bago naglakad palabas.

Napakuyom ang kamay ko at dumiin sa palad ang mga kuko ko pero hindi ako makaramdam ng sakit. Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.

Wala akong magawa para kay Trevas tulad noong wala akong nagawa para sa mga magulang ko.

Lumabas ako ng kwarto at dire-diretsong naglakad papunta sa kwarto ni Lina. "Let's find that flower"

Napalingon sa akin si Lina na kasalukuyang nakadapa sa kama niya at may sinusulat sa messenger na nasa harapan niya.

"Flower?" Tanong ni Lina bago ibinalik ang tingin sa messenger at nagsimulang magsulat ulit.

"Yung frozen chrysanthemum na gamot sa lason kay Trevas" sagot ko kaya naman napatigil siya at napalingon sa akin.

Tinapos niya muna yung sinusulat niya bago bumangon sa kama at umupo.

"That's a bad idea" matipid nitong sabi.

"I just can't do nothing" sabi ko bago sumandal sa pinto at isinandal ang ulo ko doon.

"Sa tingin mo ba mahahanap natin yung bulaklak na maging yung mga tauhan ng hari ay hindi mahanap?" Tanong niya.

"We can try, I am an ice user kaya hindi ako tatablan ng lamig kaya malaki ang chance na mahanap ko yun"

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon