Chapter 59: What's next?

1.4K 73 0
                                    

​What's next?

Unedited


"Paano mo nagagawa 'to Alissa? You killed him. You killed hermes dahil sa galit na nararamdaman mo"

Napalingon ako sa paligid at hinanap ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses pero kahit saan ako lumingon ay puro puti lang ang nakikita ko.

"I...'" nanginginig kong sabi.

"You are seeking revenge because of your hatred and resentment for those people who wronged you and people died because of you"

"I'm not" Niyakap ko ang mga tuhod ko bago ko itinakip sa mga tenga ko ang kamay ko. "I'm sorry.."

Unti unting dumilim ang paligid, Ang dating purong puti na pumapalibot sa akin ay naging kadiliman at halos wala na akong makita.

"Alissa" Napamulat ako at napatitig sa muka ni Trevas na ang aalalang nakatingin sa akin. "Are you ok?"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nandito kami ngayon sa isa sa mga kwarto sa Knoxx manor na hindi naapektohan ng sunog. Napagdisisyunan kasi namin na dito muna manatili habang wala pa kaming plano sa kung anong gagawin namin para matalo si Psyche at matapos na ang lahat.

"Hey" Nabalik ang atensyon ko kay Trevas nang tawagin niya ako at hawakan sa braso.

"Huh? Ah, I'm ok" Sabi ko bago ko biglang naalala yung napanaginipan ko. Hindi ko alam kung bakit ko napanaginipan iyon, malalmang dahil sa guilt na nararamdaman ko sa pagkamatay ni haring hermes o kaya ay dahil sa hindi na ako sigurado kung sino na ba ako. Inilibing namin si haring hermes kahapon pero hindi ko alam kung kaya kong ilibing kasama niya ang guilt na nararamdaman ko.

Ramdam ko na hindi na ako tulad ng dati at akala ko dati'y isang magandang bagay ang pagbabago kong iyon pero ngayon, hindi na ako sigurado. Is it really a good thing to change because you were hurt?

Napatingin ako sa mga kamay ko at inalala ang lahat ng ginawa ko dahil lang sa kagustuhan kong maghiganti pero bago pa ako makapag isip ng malalim ay biglang hinawakan ni Trevas ang mga kamay ko kaya napatingala ako sa kaniya.

"Ok ka lang ba talaga?" tanong niya ulit, puno ng pag aalala ang mga mata niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na maluha na naman.

Pagkapatak na pagkapatak ng mga luha mula sa mga mata ko ay hinila ako ni Trevas papalapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. Sinubsob ko nalang ang muka ko sa dibdib niya at hinayaan siyang marahang haplusin ang buhok ko.

"Tungkol pa din ba to kay haring hermes?" tanong niya sa marahan at mahinang boses pero sapat na iyon para marinig ko siya ng klaro.

Tumango ako at hindi na nagsalita pa dahil alam kong manginginig lang ang boses ko dahil sa kakaiyak.

"It's not your fault" bulong niya pero umiling ako.

Napabuntong hininga siya "Wala na din naman tayong magagawa dahil tulad ng sinabi ng mama mo, walang nakaka alam kung paano naaalis ang markings of windem"

Dahan dahan akong humiwalay sa kaniya bago pinunasan yung luha ko at sinubukang pakalmahin ang sarili. "I know, HIndi ko lang talaga mapatawad ang sarili ko na hindi ko manlang siya binigyan noon ng pagkakataong magpaliwanag."

Napabuntong hininga ako bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "Tama pa ba ang ginagawa ko? Hindi ba parang nabubuhay na ako sa galit at natutulad na ako kay Psyche?"

"No" binalik ko ang tingin ko sa kaniya at hinintay siyang magpatuloy sa pagsasalita.

"Nabubuhay si Psyche sa galit at selos at hindi siya titigil hangga't hindi niya napapatay sina Laramie at ang nanay mo na siyang pinag ugatan ng galit at inggit na nararamdaman niya but you... Nabubuhay ka para sa mga taong mahalaga sayo at hindi ka titigil hanggat hindi mo nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isa sa mga taong mahalaga sa iyo"

Hindi ko alam kung paano pero para akong tinamaan ng kidlat dahil sa mga salitang sinabi ni Trevas. Iyon ang mga salitang kailangan na kailangan kong marinig ngayon at hindi ko mapigilang mapatitig kay Trevas na patuloy parin sa pagsasalita, kinukumbinsi ako na hindi ako katulad ni Psyche.

Bigla akong napangiti. What have I done to deserve this man?

"What you're seeking is not Revenge but to avenge those people you love kaya huwag kang mag iisip ng-" Bigla siyang napatigil at napatingin sa akin. "Why are you smiling?"

Napa iling iling ako at napatawa. Iniunat ko ang kamay ko at hinawakan siya sa pisngi.

"I just... I can feel myself falling for you over and over agai-" bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay lumapit na sa akin si Trevas at pinagdikit ang mga labi namin.

Sandali akong naestatwa pero agad din akong nadala ng mas palalimin niya pa ang paghalik. Sinakbit ko ang mga braso ko sa leeg niya habang ang mga kamay niya ay lumilibot sa bawat parte ng katawan ko na siyang nagiiwan ng kakaibang init na hindi ko maipaliwanag.

Hindi ko namalayan na nakahiga na ulit ako sa kama habang si Trevas ay nakakubabaw sa akin dahil masyado akong nalunod sa nararamdaman ko lalo na nang lumipat ang labi niya sa may tenga ko at rinig na rinig ko ang malalim na paghinga niya bago siya bumaba sa may leeg ko at hindi ko mapigilang marahang mapasabunot sa buhok niya. Binalik niya ang labi niya sa mga labi ko pero biglang bumukas ang pinto kaya sabay kaming napalingon doon.

"Kaya pala ang tagal niyong bumaba sa sala" pinagkrus ni mama ang mga braso sa may dibdib niya at nakangisi kaming tinignan.

Agad kong tinulak palayo si Trevas at bumangon sa pagkakahiga bago inayos yung suot suot kong night gown na medyo nagulo dahil sa pinaggagawa namin ni Trevas.

"No need to be shy, Hindi naman ito ang unang beses" natatawang sabi ni mama bago siya lumabas ng kwarto.

Hindi ito ang unang beses? Unang beses na ano? Tanong ko sa sarili ko pero bigla akong napatigil nang maalala kong si mama nga pala si Anna at malamang ay nasaksihan niya lahat noong nakasanib pa siya sa akin.

Biglang namula ang muka ko bago ako napatingin kay trevas na nakatulala din sa akin, malamang ay narealize niya din ang narealize ko.

Ilang segundo din kaming nagtitigan bago kami sabay na napatawa hanggang sa sumakit na ang tiyan namin.

***

Pagkababa namin ni Trevas sa living room ay naabutan namin si mama at Lina na nakaupo sa may sofa at may pinaguusapan. Umupo kami ni Trevas sa isa pang sofa na nasa harapan ng kinauupuan nila at kasabay noon ay nagsimulang magsalita si mama.

"Hindi na tayo pwedeng magtagal sa bahay na 'to" panimula ni mama at sangayon naman ako sa kaniya. Bukod kasi sa sira na ang karamihan sa kagamitan sa bahay ay anumang oras ay maaring dumating si Psyche.

"Saan naman tayo pupunta kung aalis tayo dito?" Tanong ni Lina.

Napansin kong napatingin muna si mama kay Trevas bago siya nagsalita. "Nagusap kami ni Trevas kanina, napagusapan naming sasalubungin natin sa bundok ng Jeufeng ang mga tauhan niya na siyang gagamitin natin para sa pakikipag laban sa mga tauhan ni Psyche."

Bigla akong nanigas sa pwesto bago nag aalangang nagtanong "Isang gera ba ang kahihinatnan nito?"

Natahimik ang lahat sa tanong ko. Pare pareho naming ayaw na magsimula ng gera. Nakita ko gamit mismo ang dalawang mga mata ko kung gaano karaming buhay ang natatapos sa isang gera at gaano karami ang nasasaktan at nasusugatan pero alam ko rin na hindi matatapos ang lahat ng ito sa simpleng usapan lang.

"Nagpadala na ako ng mensahe sa Beifang gamit ang messenger ko." pagbabasag ni Trevas sa katahimikang bumalot sa amin. "Sigurado akong naglalakbay na ang mga tauhan ko papunta sa bundok ng Jeufeng kaya kailangan nalang nating mag hintay ng mensahe kung pwede na ba tayong magteleport papunta doon"

Sakto naman na pagkatapos na magsalita ni Trevas ay biglang nagliwanag yung kung ano sa may kanang bulsa niya at nang inilabas niya iyon ay doon ko lang napagtanto na isa iyong messenger.

"Speaking of. Pwede na tayong magteleport papuntang bundok ng Jeufeng" sabi ni Trevas pagkatapos niyang basahin yung nakasulat sa messenger.

"Then le'ts go. Pagusapan nalang natin ng mas detalyado ang plano pagdating sa kampo sa Jeufeng" sabi ni mama bago siya tumayo. "I'll teleport with Lina, you two teleport together"

Pagkasabi non ni mama ay kumapit si Lina sa kaniya habang ako ay kumapit sa braso ni Trevas bago kami sabay sabay na nag teleport papunta sa bundok ng Jeufeng na matatagpuan sa pagitan ng Bauxacel at Beifang.

The Dark Frozen Light (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon